Dahil sa pandémya na kinahaharap ng buong mundo lahat ay nakakaranas ng hirap ngunit sa kabila nito ay may nakukuha tayong aral sa nangyayari sa atin.

Isa na dito ay pagkakaroon ng oras sa ating pamilya. Dahil bawal lahat lumabas at nagkaroon ng løckdøwn nabibigyan natin ng sapat na kras ang ating mga Mahal sa buhay..

Marami din sa atin ang environmental conscious dahil pagka-engganyo sa mga halaman.

Ang iba nga ay nakikipagpalitan ng mga gamit kapalit lamang sa mga halaman at mayroon din na nangongolekta ng ibat-ibang uri nito at bukod sa lahat ang iba ay napagkaka-kitaan ang pag-aalaga ng halaman.

Huwag rin naman mamaliitin ang mga presyo ng mga halaman dahil mayroon ibang halaman na kung tawagin ay pet plan na nagkakahalaga ng libo-libo.

Ngunit maniniwala ba kayo na mayroon dsw halaman na ang presyo ay aabot sa milyones? dahil daw sa kakaibang bulaklak nito!

Ang sinasabing halaman ay ang sinabing “one-night” only kung ito ay magtangal at ito nga ay ang tinatawag nila na “Queen of the Night” dahil daw umano ay sa gabi lamang ito namumukadkad at hindi lang yan isang beses lamang ito nangyayari sa isang taon.

Hindi lang ito basta magandang bulaklak bagkus ito rin ay ubod daw ng bango.

Ang iba pang mga tawag sa halamang “Queen of the Night” ay “Encantada” at “Fairys Plant” dahil di umano lahat daw ng hilingin mo ay tinutupad ng halaman na ito.

Ayon sa isang ginang mula sa Lanao del Norte na si Rosenda napansin daw niya sa alaga niyang halaman na “Arwaka” na iniregalo sa kanya ng ninong nila ng kanyang asawa sa kasal ay parang katulad daw ng “Queen of the Night” na sinasabing ang presyo daw ay aabot sa milyon.

Giit kasi nito na minsanan lang din daw kung mamulaklak ang kanyang halaman na Arwaka at di umano ay natutupad din daw ang kaniyang mgs hinihiling katulad daw ng sabi-sabi sa halamang Queen of the Night.

Kung kayo ang tatanungin naniniwala ba kayo sa halaman na ito na di umano ay natutupad daw ang lahat ng kahilingan at milyones ang halaga?

Kung kaya kayo ay mag matyag-matyag at baka may halaman kayong ganito sa inyong mga bahay at maging daan upang yumaman.

Narito sa baba ang naturang video ng sinasabing nagmimilagrong Halaman.