Ang isang pagkain na napaka-importante at hinahanap nating mga Pilipino ay ang kanin kaya naman ang pagkakaroon ng rice-cooker sa bahay ay napakalaking tulong.

Dahil dito madali ka nalang makakapag luto ng kanin at hindi mo narin kailangan pang bantayan dahil kusa na lamang itong maluluto kaya naman ang rice-cooker ay isa sa pinaka mahalagang gamit sa bahay dahil araw-araw itong ginagamit.

Samantala, usap-usapan naman ang isang ibinahagi ng Netizens tungkol sa kakaibang karanasan niya sa paggamig ng kanilang rice-cooker, di-umano sa tuwing mag sasaing daw siya dito sya kanin ay nag aamoy pinirito ang kanilang rice-cooker.

Kahit daw ilang beses nila itong hugasan ay hindi nawawala ang amoy nito na parang may pinipirito. Ngunit kahit pa man ganon ang amoy ay hindi naman naapektuhan ang lasa ng kanilang kanin.

Ang post na ito ay ibinahagi ni BigD Reyes, kanyang ikinuwento na dahil sa matagal na din silang nagtataka nais nilang malaman ang tunay na sanhi kung bakit ganon amg nagiging amoy ng kanilang kanin.

Kaya naman nagdesisyon sila na buksam ang pinaka ibabang parti ng ricecooker upang suriin kung mayroon ba itong problema.

 

At doon nga ay napag-alaman nila na kaya pala nagiging amoy pinirito ang kanilang rice-cooker sa tuwing nagluluto ay dahil sa mga butiki sa ilalim nito na halos na prito at nasunog na sa tuwing gagamitin ang rice-cooker.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng Netizen ang mga butiki na makikita mong naprito na dahil siguro sa kuryente sa rice cooker at ito ay sunog na sunog. Biro naman ng Netizen na ginawa nalamang nila na ulam ang mga ito.

Palaisipan naman sa atig Netizen kung paano nga ba nakapasok ang mga butiki sa loob nito.

Dahil naman sa ibinahiging post na ito ni BigD Reyes ay marami namang netizens ang napatawa at naaliw sa kanyang kwento at umani rin ito ng maraming reaksyon at komento galing sa mga netizens.