Dito sa ating bansang Pilipinas marami talaga tayong makikitang yaman na bigay ng kalikasan kahit saan ka tumigin ay mayroon kang makikita.

Ngunit maniniwala kaba kung sasabihin sayo na mayroon ding mga bote na gawa ng tao sa ating bansa na nagkakahalaga ng libo-libo!

Maniwala kayo o sa hindi ay totoo ito! Patunay ang mga “bote ng beér” na ito na natagpuan sa isang kweba sa lugar ng Bohol.

Nagulat at hindi makapaniwala ang mga taong nakatuklas nito sa loob ng kweba ang isa na nga sa mga ito ay si Mang Erning.

Ayon sa kwento ni Mang Erning sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Naririnig na niya ang mga balita tungkol sa mga mamahaling bote na gawa sa sikat na kompanya noong 1950s na “Halili Béer” kaya naman sinubukan niya ang kanyang swerte na mag hanap nito.

Ang bote na tinutukoy na gawa sa Halili éer company ay may larawan sa gilid ng bote ng isang kalabaw at sa uluhan nito ay may mga marka na 1950.

Tinatayang may halagang Php2,000 hanggang Php30,000 depende sa kondisyon ng bote kada piraso nito.

Para sa mga nagtatanong tungkol sa halili company, Narito ang maikling kwento ukol sa halili béer company.

Ito ay pagmamay-ari mismo ng dating Gobernador ng Bulaxan na si Fortunato Halili. Sikat at kilalang béer noon ang halili béer dahil kuhang kuha ang panlasa ng mga pilipino.

Ayon kay Kyle Gianan, Pinaniniwalaan noon na mayroong karibal na kumpanya ang halili beér na sumasabotahe sa kumpanya nito at palaging binabasag ang mga bote na may laman béer ng halili company.

Noon ay wala pa masyadong gumagawa ng mga bote ng béer kaya naman para sa mga malilit na kompanya ay mahihirapan sila na mag imbak o hirap sila sa supply nito.

Hindi nagtagal ay nagsara ang Halili Béer Company dahil narin nagkasakit ang may-ari nito na si Fortunato Halili at wala ng iba pang humawak at nag patakbo nito.

Kaya naman simula noon ay naging koleksyon na lamang ang mga bote na gawa ng Halili Beér Company at hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang naghahanap nito dahil napag-alaman na nagkakahalaga ng libo-libo ang kada piraso nito.

Samantala, Hindi naman nasayang ang pagod ni Mang Erning dahil siya ay tahimik na nagtagumpay sa paghahanap ng Halili Beer bottle.

Ayon sa kanyang kwento siya ay nakahanap ng tatlong bote ng halili beer at ito ay kanyang ibinenta sa halagang Php11,000 kada piraso.

Kwento pa ni Mang Erning ay labis ang kanyang pasasalamat at nakahanap siya nito dahil dito ay nabayadan niya ang kanyang mga utang at nakabili ng mga pangangailan ng kanyang pamilya at higit sa lahat ay nakabili siya ng mga baboy na alagain para gawing hanapbuhay.

Narito naman sa baba ang kabuang video ng kwento ng Halili Beer Bottlers.