Hindi nga naman makukumpleto ang pelikula kung walang kontrabida. Hindi maaaring maging bida ang isang aktor o aktres kung walang hahadlang sa mga layunin at gusto nitong gawin.

Sa mga films lalo na dito sa Pilipinas, ang mga action star ay mas nahihirapan kapag nakakatapat ito ng isang napakagaling na kontrabida.

Noong 1970s hanggang 1990s, ang dating aktor na si Norberto Paranada Venancio ay kilala bilang Ruel Vernal na sikat na sikat naman sa kaniyang role bilang kontrabida.


Nagaganapan niya ito ng mabuti. Nagagawa niyang takutin ang mga leading ladies at ganoon din ang mga leading men.

Maski ang kaniyang pisikal na anyo ay bagay na bagay sa kaniyang ganap sa mga pelikula pagkat mayroon siyang tamang taas, malaki at buong boses at tigasin na mga muscles na kaniya namang naging asset sa kaniyang kasikatan bilang “bad guy”.


Tatlong dekada ang inilaan niya sa film industry sa Pilipinas. Madami sa kaniyang ginanapan ang pumatok sa mga manunuod.

Siya ay hinirang ng Metro Manila Film Festival bilang Best Supporting Actor noong 1976 sa pelikulang Insiang. Bukod pa dito, siya din ang first- ever model ng sikat na sikat na local drink na Red Horse mula 1982- 1983.


Matatandaan na ang kaniyang huling labas ay noon pang 2003 sa pelikulang Dayo. Madami ang nagtataka kung bakit siya umalis sa industriya.

Ngayon ay masayang nabubuhay si Ruel Vernal sa Washington D.C kasama ng kaniyang mga mahal sa buhay bilang isang private citizen ayon sa source.


Bagaman siya ay 73 taong gulang na, hindi pa din maitatanggi na naroon pa din ang kaniyang karisma sa pagiging action star.

Isang short clip ang ibinahagi ng kaniyang anak na si Kevin Vernal na nagpapakita na ang dating aktor ay nag gygym pa din upang mapanatiling fit ang kaniyang katawan.