Ang pag-aartista ay isang trabaho na talaga naman na malaki ang kita kaya nga ang iba ay nangangarap at nagsusumikap na makapasok sa industriya na ito para makaahon sa hirap.

Pero ang pag-aartista ay hindi daw madali katulad ng iniisip ng iba. Hindi palaging ikaw ay laging nasa taas at sikat kaya naman ang ibang artista ay mas piniling iwan ang mundo na ito para maghanap ng ibang trabaho na pangmatagalan.

Ang pagiging artista ay parang isang bukas na libro dahil kahit ano ang nangyayari sayo ay dapat alam ng tao kahit pa minsan ang iyong pakiramdam ay hindi maganda.

 

Kailangan mo parin makitungo sa harap ng publiko na matiwasay at maayos. Dahil kung ikaw ay magpapadala sa emosyon mo ay maaga kang mawawalan ng career at mawawalan ka ng tagahanga.

Mayroong mga artista na lahat ay gagawin magampanan lamang ang kanilang trabaho. Ang iba pa nga ay sinasakripisyo ang itsura para lamang makuha ang role na kanyang pinapasukan.

Tulad na lamang ng isang artista na ito na talagang magaling pagdating sa pag-arte at kilalang-kilala siya sa galing niya pagdating sa pagka-kontrabida sa mga pelikula at teleserye.

Siya ay si Ramon Veroy Confiado o mas kilala natin bilang si Mon Confiado. Marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtaka sa pagbabago ng pisikal na itsura nito na makikita sa pelikulang “Heneral Luna” gumanap siya dito bilang si ‘Emilio Aguinaldo’ mapapansin dito ang kanyang labis na pagpayat.

Nagpahayag naman si Mon sa kanyang IG post sa mga netizens na nakapansin nito:

“Physical Transformation in the name of cinema isn’t always easy. It requires a lot of discipline, dedication, passion, sacrifice, commitment and love for the art. #dramaticphysicaltransformationforaole #chameleon”.

Dahil dito marami ang mga Netizens na sa kanya ay lalong humanga maging ang mga kapwa niya artista ay napabilib nito, dahil lahat daw ay gagawin ni Mon para lang magampanan ang kanyang role dahil ayon kay Mon mahal niya ang kaniyang trabaho kaya naman handa siyang magsakripisyo para dito.