Noong araw ay masaya ang mga kabataan na makatanggap na simpleng laruan o kaunting halagang pera sa kanilang mga ninong at ninang.

Ngunit ngayon ay tila nagbabago na ang nakasanayan ng marami at parang naglevel-up na rin ang kanilang hinihingi at ito ay hindi ikinalulungkot ng marami.

Sabi nga ng iba hindi naman daw talaga ang mga bata o inaanak ang nagrereklamo sa tuwing makakatanggap ng maliit na aginaldo kundi ang kanilang mga magulang.

Katulad na lamang ng isang netizen na ito na nadismaya sa kanyang inaanak matapos umanong malungkot daw ang inaanak nito dahil P250 lamang daw ang kanyang natanggap na aginaldo.

Sa Facebook Post ni Raevin Amanete Bonifacio, Kanyang ibinahagi ang mga naging usapan nila sa messenger ng kanyang kaibigan.

Ayon kay Bonifacio, Sa totoo nga lang daw ay hindi dapat siya obligadong magbigay ng pamasko sa anak ng kanyang kaibigan dahil noong bininyagan daw ito ay wala siya roon at hindi siya nakalagay sa listahan.

Saad pa niya na kahit pa nga raw may pandemiya ay hindi pa rin niya nakalimutan magbigay ng pamasko.

Sinabi naman ni Bonifacio sa kanyang kaibigan na dapat ay turuan ang kaniyang anak na maging “thankful” kahit maliit o malaki man ang matatanggap nito.

Dagdag pa niya na hindi raw maganda na ganoon ang ugali ng bata lalo na sa murang edad nito na nagiging demanding ito.

Pahabol pa naman ni Bonifacio na wari niya ay hindi naman ang bata ang nagrereklamo kundi ang mga magulang nito.

Sa ngayon ang post ni Bonifacio ay umaabot na ng 15K reactions at 30K shares.

Narito naman ang buong post ni Bonifacio:

“please turuan niyo mga anak niyo maging thankful kahit sa maliit na Bagay lang. Ang sarap kaya sa feeling na naalala yung mga anak kahit taon-taon!

NINONG/NINANG kami para gumabay habang Lumalaki sila Bonus nalang yung mga Regalo every christmas at birthdays nila.

Napakahirap ng buhay ngayong PANDEMIC ganyan pa! dati bente lang basta malutong happy na kami!

Ps : di din ako sure kung yung bata ba malungkot o yung nanay!”

May mga netizen naman na nagpaabot din ng komento sa naturang post ni Bonifacio.

“Ha? maliit pa ba yon malaki na nga ang 250. Galante ka na niyan kuya yung iba na 100 lang masaya na ang mga anak ko” ayon sa netizen na si Chlarise Dela Santos.

“Kaloka mga bata nga dito samin namasko binigyan ko ng mga candy pero sobrang tuwang tuwa na. Mukang parents ang dinatuwa ginagawa pa atang pangkabuhayan ang mga anak para makahingi ng pera”. ayon sa netizen na si Mimi Denila.

“Bossing tingin ko yung magulang yung galit sayo gusto pa ata tatlong ulo (1,000) ang matanggap ng anak nila hahaha. may mga ganyan talagang magulang”. ayon sa netizen na si Ben Langit.

please turuan niyo mga anak niyo maging thankful kahit sa maliit na Bagay lang ๐Ÿ™๐Ÿป Ang sarap kaya sa feeling na naalala…

Posted by Raevin Amante Bonifacio onย Friday, December 25, 2020