Tunay ba na pera na lamang ang nagpapatakbo sa buhay ng isang tao? Sa oras ng kagipitan, hanggang saan mo kayang manindigan? Kaya mo bang ipagpalit ang dignidad mo sa maliit na halaga ng pera?

Nakakabasag ng puso ang kwento ng isang matandang lalaki na ito na nagtitinda ng gulay sa tabing daan.

Ang kaniyang buhay ay naibahagi sa isang video ng sikat na vlogger na si Jose Hallorina. Ang vlogger na ito ay sikat sa kaniyang pagiging good samaritan sa mga nangangailangan.

Ngunit sa puntong ito, inalok ng perang pang puhunan ni Jose ang matanda iyon ay kung hahalikan nito ang kaniyang paa.

Nakilala ang matandang ito bilang si Tatay Danilo na nagbebenta ng mga prutas gulay gaya ng saging, patatas, talong at iba pa.

Kadalasan ay nasa tabing daan siya at matiyagang nag- aalok sa mga dumadaan sa loob ng 16 na oras sa kada araw.

Ayon sa kaniya, tatlo ang kaniyang anak na kailangang buhayin na naiwan sa probinsya. Ang tatlong libong puhunan niya sa pagtitinda ay malaking bagay na sa kaniya.

“Magbibigay ako ng tatlong libo pero sa isang kondisyon,” Sambit ni Hallorina.

“Bakit ako magpapahalik? Kasi gusto kong maramdaman ano yung pakiramdam na may pera, may kapangyarihan, yung nasa taas ka. Ano kakasa ka ba? Papayag ka ba o hindi?”sabi ni Jose.

Makikitang hinubad nga ng vlogger na ito ang kaniyang sapatos at medyas. Ipinuwesto niya ang paa sa harap ni Tatay Danilo at kitang kitang desidido nga itong halikan ang paa ni Jose.

Labis na nagulantang ang vlogger nang kamuntik muntikan nga iyong gawin ng matanda.

“Tay Danilo, naiyak ako, bakit ka pumayag,” ani ni Jose.

Paliwanag naman ni Tatay Danilo, hindi na daw niya palalampasin pa iyon pagkat kailangan niya din ng perang pampuhunan.

Naluha ang vlogger dahil sa ginawa ng matanda pagkat handa nitong gawin maski ang pinaka nakasisira ng dignidad para lamang sa pera.

Isa na itong eye- opener para sa nakararami na ang pera ay siya nang nagiging sentro ng buhay at ang pera ay kaya nang bilhin ang dignidad ng iba.

Samantala, binigyan ni Jose ng 6k, bigas at iba pang pangagailangan galing UniCare ang matanda.

“Mamuhay po tayo na may dignidad at pagmamahal sa kapwa.” Paalala ni Jose.