Usap-usapan ang isang post na ibinahagi ng netizen na si Jose Elvis Michelet Lumbo sa social media.

Ang nasabing post ay may kalakip na isang larawan ng punongguro sa Habana Integrated School sa bayan ng Buruanga, Aklan.

Kitang-kita ang punongguro na pagod na pagod dahil siya mismo ang tumatapos ng ilang gawain sa pag co-construction sa kanilang paaralan.

Ayon mismo kay Jose Elvis Lumbo, ginagawa ito ng kanyang ama na punong guro ng paaralan para matapos agad ang proyekto at maiulat na sa school division.

Dagdag pa nito hinahabol daw kasi ng naturang paaralan ang deadline ng proyekto dahil marami pa daw ang mga susunod dito kaya naman nagdesisyon ang kanyang tatay na tumulong sa pag co-construction.

Kinuwento din ni Elvis na ang kanyang Ama na si Elmer Lumbo ay halos 10 taon ng punongguro at sinabi rin nito na sanay daw sa mabibigat na trabaho ito dahil laki ito sa hirap kaya naman nagkukusa ang kanyang ama na tumulong sa mga ginagawang konstraksyon sa eskwelahan kahit punongguro na ito.

“Dati nagsimula siyang magtrabaho sa isang hardware, mula kasi sa mahirap na pamilya.. Sanay po siya sa hirap, sanay sa mabibigat na trabaho. Siguro yon yong.. nakasanayan niyang gawin at parang automatic na po sa kaniya na kung ano ang kailangan gawin dito po sa school siya talaga nagli-lead” ayon kay Jose Elvis Lumbo .

Nang magviral ang larawan na ito ng punonggurong si Elmer, bumuhos ang mga komento at paghanga ng mga netizen dahil isa daw itong inspirasyon para sa marami at nagpapatunay rin daw ito na wala sa posisyon o yaman kundi sa likas na kagustuhang magsilbi sa kapwa at walang hinihinging kapalit.

Proud na proud naman ang magkakapatid nina Jose Elvis sa kanilang ama at kahit noon pa daw ay ipinagmamalaki nila ito dahil sa dedikasyon at sipag nito sa trabaho.

“Masaya po kami sa kung anuman yong na-achieve niya, sa mga papuri na natanggap niya po sa mga netizen at mga taong lubos na humahanga sa kasipagan at pagkatao niya”. Dagdag ng mga anak ng Principal.

At sa Facebook account naman ng amang Punongguro na si Elmer Lumbo siya ay nagpasalamat sa mga netizen na nagpaabot ng mga positibong komento at reaksyon at labis siyang natuwa dito dahil sa suportang ipinaramdam ng publiko sa kanyang kwento na nag-viral.

Narito ang isang bahagi ng pahayag ng Punongguro:

“I pretty well know that there are plenty of colleagues in the DepEd community accross the country who did more heroic acts worthy of emulation. Mine was just a “chunk of a fraction”.