Sabi nga nila, ang pupumahay ay hindi magiging balanse kung lahat ay pantay panta, mababait at mayayaman kaya naman imposible aagang mawalan ng mga taong walang puso at konsensya na tila ginagawang laruan ang mga taong nabubuhay ng marangal.

Kagaya na lamang isang mapagpanggap na customer na nakilala bilang si ‘AJ Pande’, isang bogus buyer na kung saan nanloloko siya ng mga food delivery riders.

Ayon sa viral post ng netizen na si Natalie Dela Cruz, hindi lang minsan nangyari ang panloloko ni AJ kung hindi madaming beses na lalung lalo daw sa kaniyang page na BF Homesarap.

Hindi nga naman makatarungan na lokohin ang mga taong nag tatrabaho ng marangal at gumagawa ng paraan upang kumita ng pera.

Kaya naman sumugod na ang 10 iba’t ibang delivery riders na nabiktima saiisang address na ibinigay ni AJ sa Pilar Village, Las Piñas City.

Dagdag pa ni Nathalie, labis daw siyang naaawa sa mga nabiktima. Malamang daw ay hindi totoong pangalan ang “AJ Pande”. Hiling niya n asana tumigil na ito sa panloloko at hindi na makadamay pa ng iba.

Narito ang post ni Nathalie:

“Marami na po siyang naloko, lalo na sa page namin na BF Homesarap. Kaya super naaawa po ako sa kanila. Nagtatrabaho lang naman sila ng marangal, pati mga online sellers nabiktima niya, kasama na po ako dun. Galit ang nararamdaman namin,” ayon kay Natalie.

“For sure, ‘di niya real name ‘yang AJ Pande. Pero, please, itigil mo na ‘yung mga kalokohan na ginagawa mo. Marami ka nang nabiktima. Kung may galit ka sa mga rider or sa nakatira dun sa bahay na lagi mong sinasabi, please tama na AJ. God Bless you.”

Higit sampung food delivery riders ang nagkita-kita sa isang address sa Pilar Village, Las Piñas City kahapon matapos…

Posted by News5 on Wednesday, September 16, 2020