Ano nga ba ang mahirap ang magpatawa o ang magpaiyak? Ayon sa mas nakakarami mas mahirap daw ang magpatawa dahil mahirap hanapin ang kiliti ng isang tao o gusto ng tao upang sila ay mapangiti at masilayan ang kanilang mga saya sa kanilang labi.

Dagdag pa dito kaya raw maraming humahanga sa mga komedyanteng nagbibigay kasiyahan sa marami dahil malaking tulong daw ito upang mabigyan ng kaginhawaan ang pakiramdam ng mga nanunuod sa kanila.

Dito sa ating industriya ay marami ang mga uri ng komedyante ang iba ay nakikilala sa pamamagitan ng paggagaya o pag impersonate ng mga sikat na artista o kilalang tao sa industriya.

Isa na dito ay ang stand-up comedian at Presidential impersonator na si Ate Glow siya ay nakilala dahil sa kanyang panggagaya sa dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa kanyang panggagaya sa dating Pangulo ay sumikat si Ate Glow halos lahat ng kanyang mga segment sa mga comedy bar o sa telebisyon ay talagang patok sa mga manonood.

Ngunit ang kanyang bilis na pagsikat ay ganun din kabilis ang kanyang pagkawala sa industriya ng showibz, Kaya naman marami ang nagulat sa biglang niyang pagkawala sa industriya ng taong 2010.

Nasaan na nga kaya ang magaling na Komedyanteng si Ate Glow?

Ayon sa aming source napag-alaman na nagsettle-down na pala ang magaling na komedyante at napagdesisyunan na iwan na ang buhay bilang impersonator at piliin ang tahimik na buhay sa London at isa pa diyan ay natagpuan din niya ang kanyang partner na isang British noong siya ay nagbakasyon dito.

Hindi nagtagal ay napabalitang ikinasal na din si Ate Glow sa kanyang British Boyfriend at ito ay naging legal noong July 2, 2016.

Ang huling labas ni Ate Glow sa telebisyon ay noong ito ay nag guest sa isang morning show program ng ABS-CBN kung saan kanyang ikinuwento ang lahat ng kanyang pinagdaan sa buhay bago niya matagpuaan ang kanyang asawa.

Naging emosyonal si Ate Glow ng basahin ang mensahe galing sa kanyang British partner.

“It’s a pleasure to call you my wife. I’m so very proud of you and I love you very much. We have a fantastic connection and have done since day one.

We really embrace our similarities and differences and it makes us a very strong couple together. And as always darling, I love you today, I love you tomorrow and I love you you forever.”

At ito ang dahilan kung bakit hindi na natin muli pang nakita si Ate Glow sa telebisyon. Maging masaya tayo para sa ating idolo na si Ate Glow dahil nakita na niya ang taong magpapasaya sa kanya at mag-aalaga habang buhay.

Kahit pa iniwan niya ang maganda niyang karera ay hindi siya nagsisisi dahil mas higit pa ang kanyang nakuha at ito ay ang magkaroon ng kapiling habang buhay.