Marami sa atin ang nagsusumikap mag trabaho at mag-ipon para makabili o makapagpatayo ng sariling bahay.

Dahil hindi naman talaga biro ang halaga ngayon ng mga bahay kaya naman kung gusto mo talaga magkaroon ng tahanan na masasabi mong pinagpaguran mo ay kinakailangan natin na magtiyaga.

Mahalaga din talaga ang magkaroon ng sariling bahay lalo na kapag ikaw ay bubuo ng pamilya dahil may kasabihan nga tayo na “ang maaari lamang tumira sa isang kastilyo ay isang reyna” ang ibig sabihin lang na kapag ang isang babae ay mag-aasawa na kinakailangan na nitong umalis sa poder ng magulang at magsama sila ng kaniyang asawa sa sariling bahay.

Ngunit sa panahon ngayon ay napakahirap na para sa ating mga Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay, dahil narin sa mga halaga ngayon ng lupa at lote na halos milyon na nga ang inaabot kung minsan. Idagdag mo pa ang gagastusin sa mga gamit sa loob ng bahay.

Kaya naman kung ikaw ay magkakaroon ng sariling bahay at mga gamit ay talagang napakalaking “achievement” mo na ito sa buhay.

Tulad na lang ng kwento ng netizen na si Agnes Mateo sa kanyang tagumpay sa buhay.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Agnes Mateo sa kanyang social media kung paano sila nakapagpundar ng kanilang pangarap na simpleng bahay ngunit napakagandang munting tahanan.

Sa kanyang post sinumulan niya ang kanyang caption ng pagtatanong kung san ka makakarating ang iyong ipon at ang kagustuhang magkaroon ng sariling bahay?

Ayon sa post ni Agnes, kahit daw maliit lang ang kanilang bahay ay masayang-masaya ito dahil maliit man daw ito ay sama-sama silang pamilya bukod diya ay napakaaliwalas nito kahit maliit may pahingahan at mayroong maliinis na palikuran.

Ang maganda pa dito ay hindi na rin daw nila kailangan magbayad ng buwanang renta dahil kanila na ito mismo kaya naman napakasaya niya dahil mayroon silang matatawag na bahay nila.

Dagdag pa niya siya (Agnes) lang din daw ang naggawa ng mga plano at disenyo ng maaliwas nilang tahanan.

Sinabi rin ni Agnes na sa wakas ay nagbunga ang kanilang pagod at puyat, pabiro rin sinabi ni Agnes na kasama na sa hirap at pagod ang pag init ng balat na kanilang naranasan at kaunting pag-iyak sa paghihirap.

Pahabol pa ni Agnes na isa sa tumulong sa kanya ay ang Paginoon, dahil binigyan sila ng tibay ng loob para malampasan ang lahat ng pagsubok na kanilang naranasan.