Sa panahon ngayon, ang kahirapan ay maaaring matamasa ng lahat maski bata pa o matanda. Sa halip na sila ay inaalagaan, sila pa ang kumakayod para mayroong pambili ng pangangailangan.

Dito pa lamang saating bansang Pilipinas ay napakarami na niyan. Mabuti na lamang mayroong mga taong ipinanganak na mayroong busilak na puso na handang tumulong kahit hindi nila kadugø.

Ang Syrian Vlogger na si Basel Manadil ay muli nanamang nagsilbing anghel sa Pinoy nang tulungan niya ang 82 year-old na matandang nagbebenta ng balut sa Biñan, Laguna.

Agad niyang pinuntahan ang matanda matapos makatanggap ng mga larawan at narinig ang kwento nito noong mismong araw din na iyon.

Ayon sa kaniyang Facebook post, talagang lumaalambot ang kaniyang puso lalo na sa mga matatanda na imbis na nagpapahinga at nag eenjoy na lamang ay kinakailangan pa ding magtrabaho para sa pamilya.

“I have soft spot sa mga elders, na sana ay nagrerelax nalang while on their golden age pero in reality marami pa din sakanila ang kumakayod para sa pamilya.”

Lalong nalungkot si Manadil nang makita niyang malalim na ang gabi ay nagbebenta pa din si Tatay ng balut. Kaya naman pinakyaw na niya ito at binayaran ng triple pa sa kabuuang halaga.

“Pinakyaw ko na lahat ng paninda, x3 ng presyo at kinuha ko na lahat ng paninda at inihatid si lolo ng safe sa kanyang bahay to make sure hindi makulit si lolo at ititinda pa din nya ang kanyang mga balut.”