Walang batayan ang pagtulong. Maging sino ay dapat tulungan at dapat ding tymulong sa mga nangangailangan pagkat iyan ang dapat tinataglay ng isang marangal na tao na kung saan mayroong pusø at tamang pakikipag kapwa.

Ginulat ng isang delivery truck driver ang lahat nang makita ng netizens ang kaniyang kabayanihang ginawa matapos makasalubong niya ang isang matandang naglalako ng ice cream sa gitna ng maulang araw.

Ito ay nasaksihan ng netizen na si Patrick Mariano. Kwento niya, kasalukuyan daw siyang nag- aayos ng kaniyang kwarto nang masilip niya sa kaniyang bintana ang mga pangyayaring ito.

Pumarada ang isang malaking truck sa harap ng kanilang bahay at bumaba ang driver upang puntahan ang lolo na nag lalako ng ice cream na nakasuot lamang ng kapote at sombrero pang protekta sa sarili.

Pinakyaw daw ng driver na ito ang lahat ng paninda ng matanda upang ito ay makauwi at hindi na mababad sa ulan na maging dahilan pa ng kaniyang pagkakasakit.

Sa naturang post ng netizen na si Patrick, kaniyang sinaluduhan at pinasalamatan ang kumpanya ng Shalom Organic Fertilizer bilang pasasalamat din sa kanilang empleyadong ito.

Tunay ngang hindi mo din inaasahan ang mga pagkakataong ganito. Napakasarap sa pakiramdam na masaksihan moa ng mga ganitong kabutihan ng tao sa kaniyang kapwa.

Truck Delivery Driver, ginulat ang marami sa kaniyang ginawa matapos hintuan ang Matandang naglalako ng Ice Cream.

Faith in humanity restored.

Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na…

Posted by Patrick Mariano on Tuesday, October 13, 2020