Sa pagbebenta ng segundamano ay hindi ganon kadali siguradong mahirap ang gingawa ng mga seller dahil bukod sa pagbebenta ay nilalabahan pa nila ang mga ito kung minsan pa nga ay pina-plantsa nila.

Kaya naman tiyak na bawat ukay-ukay seller ay may kanya-kanyang karanasan at kwento tungkol sa kanilang binebenta na ginamit na ng iba.

Katulad ng kwento ng isang seller na ito na nagpakilala bilang si Lez.

Ang kwentong naranasan ni Lez ay kanyang ibinahagi sa facebook page na Spookify, dahil mayroon daw siyang kakaibang karanasan sa pagbebenta ng mga second hand na mga damit.

Nagsimula raw si Lez magtinda ng mga segundamanong gamit o ukay-ukay ay noong 2019. Naging mabenta raw ito online.

Isang gabi habang siya ay nagla-live sélling habang hawak niya ang isang pulang polo-shirt ay may bigla daw nagkomento sa ibaba ng kanyang video na ang cute raw ng bata na nasa likod niya.

Agad naman siyang nagtaka sa nagkomentong viewers ng ganon dahil wala naman siyang kasama at siya ay mag-isa lamang sa kanilang bahay.

Napahinto naman si Lez ng sandaling mabasa niya iyon at nasa isip niya na baka may nakapasok sa kanilang bahay ng hindi niya napapansin. Ngunit ng kanyang tignan ay wala naman ibang tao.

Nang siya ay bumalik sa kanyang pagla-live ay mayroon ng viewer na bibili ng pulang polo shirt at nagkomento ito ng “Mine”.

Kinabukasan daw ng araw na iyon ay inayos niya lahat ang package na kanyang ipapadala sa mga buyers.

Makalipas lamang ang tatlong araw ay nagmessage daw sa kanya ang babaeng bumili ng pulang polo shirt at nagreklamo na bakit iba raw ang damit na inorder na na-ipadala sa kanya.

Para maniwala daw si Lez ay nagsend daw ang buyer na babae ng picture at napaisip si Lez na baka manl0l0ko lang ito.

Imposible naman daw na nagkamali siya lalo na at wala siyang ganoong tininda noong naglive siya.

Ngunit sa huli ay humingi na lamang ng paumanhin si Lez sa kanyang customer at baka raw siya ay nagkamali ng siya ay nagpapa-pack.

Kaya naman sinubukan niyang hanapin sa kanyang cabinet ang pulang polo shirt. Subalit hindi niya na ito makita.

Nang gabi na iyon habang siya ay nakahiga sa kanyang kama, naka-påtåy ang ilaw at nagse-cellphone kanyang kinuha ang kumot para iitalukbong sa kanyang mukha ngunit laking gulat niya na hindi kumot ang kanyang nakuha kundi ang pulang polo shirt na nawawala.

Sa takot ni Lez ay napatakbo siya at sinindihan ang ilaw at nakita niya na ang kanyang hawak ay ang pulang polo shirt.

Kaya naman agad niya raw itong inihagis sa labas ng kwarto at ni-lock ang pinto. Agad siyang bumalik sa kama at hindi na pinåtåy ang ilaw.

“Mga isang oras nakalipas tipong napapapikit na ko bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sa takot ko sinilip lang sa baba ng pinto kung sino yon.

Wala kasi ako kasama noong panahon na yon. Pagkita ko yung pulang damit parang nagsasayaw, parang nililipad ng hangin. Kita ko yung anino at dulo ng damit”. Kwento ni Lez.

Hindi nakatiis si Lez at naglakas-loob siyag buksan ang pinto at nakita daw ng kanyang dalawang mata ang batang tinutukoy ng kanyang viewers sa live sélling at suot ng bata ang pulang polo shirt.

Bigla raw itong nagsalita at sinabihan si Lez na bakit raw niya ibinebenta ang damit na iyon samantalang regalo daw sa kanya iyon ng kanyang nanay noong birthday niya at mismong araw ng naaksîdente ito.

Ngunit , hindi na daw nakasagot noon si Lez dahil nawalan na siya ng malay pagkatapos noon.

Nang siya ay magkamalay ay umaga na at nasa harap raw siya ng pinto at doon nakatulog.

Pagkabangon ay nakita raw niya ang pula na polo shirt ay naging puti na raw. Pumasok sa kanyang isip na baka sumakabîlang bühåy na ang talagang may-ari ng polo shirt na iyon at puro dûgø ang polo shirt dahil naaksîdente ang bata.

Nang mangyari daw ang pangyayari na iyon ay inilagay niya na lamang ang polo shirt sa isang kahon at kanyang ipinagdasal tsaka ito inîlîbing ng maayos.

At simula noon ay tumigil na si Lez na magtinda muli ng mga ukay-ukay dahil aniya na hindi naman talaga raw niya alam kung saan galing o kung nasaan ang mga may-ari ng mismong damit na kanyang binebenta.

Kayo diytan mga Netizen mahilig rin ba kayong bumili sa Ukay-Ukay?