Ang pag iisang dibdib o ang kasal ay pinagpaplanuhan pagkat isa ito sa pinaka masaya, mahalaga at katangi tanging moment ng dalawang taong tunay na nagmamahalan.

Talaga nga naman sa panahon ngayon ay may iba’t iba nang naiisip ang mga tao para sa kanilang idealistic na kasal.

Kung noon ay karaniwang sa simbahan ang kasal, ngayon ay may samu’t sari nang venue kagaya sa bansang China na may nag dadaos ng beach wedding, underwater, at sa mga bundok.

Isang hindi pangkaraniwang kasal ang nangyari noong Nobyembre 11, 2017 na kung saan ang ikakasal ay nakasabit sa 100 metrong talampas ng Chaya Mountain kasama ang kanilang bisita.

Sinadya nilang isakto ang araw ng kanilang kasal na kung saan nagdiriwang naman ang mga single sa China ng “Single Day”.

Base sa ulat ng how to care, ang talampas dawn a ito ay natuklasan ng sikat na action adventure show na “Journey to the West”.

Ang mga bisita ay nakabihis bilang mga karakter sa nasabing show habang ang magkabiyak naman ay tipikal na pangkasal ang kanilang suot.

Makikitang kahit na nakasuot ng wedding gown ang bride ay inisip pa din niya ang kaniyang kaligtasan at nagsuot ng leggings at climbing shoes.

Ang kanilang kasal ay hindi na kinailangan ng mga dekorasyon kung hindi matinding dedikasyon sa pag akyat o mountain climbing.

Isa nga ito sa hindi pangkariniwang kasal ngunit ang mahalaga ay masaya ang mag- asawa sa kanilang mahalagang araw at napatunayan na sa hirap at ginhawa ay aalalayan nila ang isa’t isa.