YouTube Vlogger Kid na pinagkatuwaan dahil sa kaniyang 2 Subscribers noon, mayroon nang 200,000 subscribers ngayon

Simple nga lang naman ang kaligayahan ng mga kaligayahan ng ga bata. Madalas, itinuturing nila ang bawat sitwasyon bilang isang laro na kung saan sila ay makakapaglibang.

Ngunit sa makabagong henerasyon ngayon, mas madami pang nalalaman ang mga kabataan at mas advance pa kung mag- isip.

Kung ating babalikan, isang batang babae ang nag diwang noon nang makakuha ng 2 subscribers sa kaniyang YouTube Channel.

Ngunit sino nga naman baa ng makakpagsabi na ang batang pinagkakatuwaan lang noon, mayroon nang 200,000 subscribers ngayon!

Siya ay ang batang si Mary Grace Escober na kung saan pinasalamatan ang kaniyang subscribers sa kaniyang vlog. “Thank you po sa lahat ng nag-subscribe sa akin. Thank you po sa lahat ng sumusuporta sa akin. Sana patuloy n’yo po akong suportahan. Thank you, Lord, for everything.”

Kung dati rati lamang ay nag sulat siya sa kapirasong papel na “2 Subscribers. Thank you.” Ngunit ngayon, naging inspirasyon na siya ng marami upang magpatuloy pa din sa YouTube.

Sa katunayan, ipinromote pa ng artistang si Kiray Celis ang channel ni Mary Grace. Aniya, “Hindi ko siya kilala.

Pero suportahan natin ‘yong pangarap ng batang ‘to. Malayo mararating mo, baby girl basta maging humble ka lang palagi at magpapakabait sa magulang mo. Subscribe tayo sa kaniya,”

Tunay ngang ang tagumpay ay may tamang panahon. nasa saiyo na lang kung paano mo ito kakatagpuin at aabutin.