Sa wakas, tapos na ang paghihintay! Si Khloe, ang Jack Russel Terrier na sumikat sa kanyang magagandang mga måternity photos ay isa na ngayong sertipikadong ina ng 5 mga tuta.

Ang kanyang furmom na si Caitlyn Snyman, isang animal photographer, ay nag anunsyo na sa Facebook.

“Khloe has 5 healthy babies! 3 girls and 2 boys. All are identically marked like her except one boy is covered in spots. I’ll post photos and applications by Friday for anyone interested in getting on the list.

Apparently, she started whelping at around 6 pm Feb 16th and the first was born at 1 AM. The last was born at 3 AM. She did a great job and is the absolute best mommy!”

Sa isa pang post, sinabi ni Caitlyn na wala siyang tulog ngunit sulit naman ang lahat ng puyat at pagod. Inilarawan niya si Khloe bilang isang mapagmahal na ina sa kanyang mga tuta.

Smooth ang kanyang delivery at wala siyang naging problema. Sa katunayan, inaasahan niya ang 4 na mga tuta lamang ngunit nagulat siya nang makitang mayroon pang ika-5.

“The 5th little girl was a surprise but a welcomed one .”

Pagkatapos ay nag-upload siya ng larawan ni Khloe na nakalagay sa kanyang doggy box kasama ang mga tuta na kumukuha ng pagkain sa kaniya.