Ang pagpapakasal ay ang pinaka mahalagang mangyayari sa buhay ng mag-asawa dahil ito ay sagrado at ito ay ginaganap sa harap mismo ng altar ng Poong maykapal.

Ngunit siyempre ang pagpapakasal din ay may kaakibat na responsibilidad dahil bilang bagong mag-asawa ay kaylangan ay pagtulungan niyo pag-ipunan ang inyong mga pangangailangan.

Samantala, kung ang ibang bagong Kasal ay iisipin pa kung paano na ang kanilang kinabukasan naiiba ang isang bagong kasal na ito mula sa lugar ng Tagum City.

May isang post kasi sa social media na mula kay Ma Arlyn Colindres Castillo na talagang pinag-usapan ng marami sa atin at ang iba nga ay napapasabi na lamang ng SANA ALL.

Dahil limpak-limpak lang naman ang kanilang natanggap na Regalo. Mayroong milyones na mga ari-arian at mayroon din mga malalaking cash gifts ang natanggap ng bagong kasal na sina Mr. And Mrs. Marvin and Keesha Lupio mula sa lugsr ng Tagum Davao del Norte.

Dahil nga mahal na mahal sila ng kanilang magulang ay talagang napaka-enggrande at elegante ng kanilang kasal.

Maging mga regalo nila sa kanilang anak na tila wala na sila siguro mapaggastusan ng kanilang pera kaya naman ganito na lamang ang kanilang iniregalong napakalaking properties at malaking halaga ng pera para sa kinabukasan ng kanilang mga anak na bagong kasal.

Kaya naman halos lahat ng mga netizen sa social media ay talagang namangha at ang karamihan nga dito ay napapa-SANA ALL na lamang.

Marami din sa mga netizen ang nagbiro na sa kanilang kasal daw ay gusto nilang kuhanin na mga ninong at ninang ang mga parents ng bagong kasal na ito.

Narito ang ilang nakaka-aliw na komento ng mga netizens.

“This happens when parents are so prepared for their childrens future” – Meemee Sosito

“Hayss mapapa-SANA ALL kana lang talaga, Hi kay tita at tito sa kasal ko po sana Ninong at Ninang kayo” -Hanna Grasya

“Sana lahat ng parents mayaman katulad nito. Hehehe napakasarap sa feeling kapag ganyan” -Estephanie Estel

At narito naman sa baba ang post na talagang pinag-usapan at nakakamanghang mga larawan galing sa bagong Kasal.

“The Most Trending Wedding in Tagum Davao del Norte I’ve heard so far…TORRES – LUPIO NUPTIAL…held @ Sea World Oasis Resort, Pantukan Dvo. De Oro”

Mapapa-sana all ka sa mga regalo gaya ng 10 Million worth of House from their Parents, 2,000 square meter lot from their Parents, 20,000 USD Cash Gift from their Parents, P68,000 Cash Gift from Ninangs Ninongs, relatives and friends at iba pa from Ninongs, Ninangs, Relatives and Friends…

CONGRATULATIONS MR and MRS MARVIN and KEESHIA LUPIO..

Source: The Daily Sentry