Naging usap-usapan sa social media kamakailan ang ibinahaging larawan ng isang netizen kung saan kita umano ang kasalukuyang estado sa buhay ng dating sikat na batang aktor noong 1960`s.

Marami sa ating mga kabataan ay bata pa lamang ay may mga pangarap na sa buhay. Kadalasan nga ay kung ano ang sa tingin nila na sa kanila ay magpapasaya ay yon ang tinatahak nila.

Ngunit marami din sa mga kabataan ang gustong tahakin ang pag-aartista o pasukin ang showbiz.

Talaga naman na marami ang nagnanais na pasukin ang trabahong pag-aartista. Dahil talaga naman malaki ang pag-asa mo na makaahon sa hirap kung ikaw ay papalarin.

Ngunit kung ating iisipin na mabuti ang trabahong pag-aartista ay hindi permanente. Marami din naman sa kanila ang hanggang ngayon ay nagtatagumpay at namamayagpag ang “career” ngunit hindi rin natin maitatanggi na marami din sa mga artista ang ngayon ay laos na at iniwan na ng kanilang kasikatan.

Katulad na lamang ng kwento ng dating sikat na batang aktor na ito noong 90s, Nakakalungkot lamang na isa sa nakaranas ng hirap pagkatapos ng kasikatan ay ang batang aktor na si Hernando Alano o mas kilala sa bansag na “Boy Alano”.

Matatandaan na si Rene Requiestas at Panchito Alba ang ilan sa mga personalidad na kanyang nakakatrabaho noong kasagsagan pa ng kanyang kasikatan.

Isang Netizen ang nagbahagi ng mga litrato ni Alano sa kanyang Facebook Account. Makikita rito ang tunay na estado ng buhay ng dating aktor.

Kitang-kita rin sa kanyang pangangatawan na siya ay nahihirapan sa ngayon ay kasalakuyan daw nakatira sa isang garahe ang dating aktor sa lugar ng Brgy. 398 sa sampaloc Manila.

Ayon sa Netizen na nagbahagi ng kalagayan ng ni Alano, ang nais niya lamang ay magbigay ng impormasyon tungkol sa tunay na kalagayan ng aktor.

Para din makahikayat ng mga tao na gustong tumulong sa dating aktor at makatawag rin ng atensyon sa mga dating nakatrabaho ni Alano.

Si Alona ay isang magaling na aktor kaya naman noong taong 1958 sa pagganap niya sa pelikulang “The Day of The Trumpet” ay ginawaran siya bilang Best Child Actor sa 5th Asian Film Fest 1958.

Lalong mas sumikat si Alano noong kasagsagan ng 1950`s sa poder ng Sampaguita Pictures ang ilan sa kanyang mga pelikulang kinabilangan dito ay ang “Roberta”, “Angel ng Pag-ibig”, “Rebecca,” “El Indio”, “Anak ng Espada”, “Munting Koronel”, “Maldita” at marami pang iba.

Dahil sa larawan naman na ibinahagi ng netizen ay umani ito ng ibat-ibang reaksyon at komento sa galing sa ibang Netizen.

Ang karamihan sa mga komento nila ay nagpapaalala na, Hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay mananatili ang kasikataan at ilaw ng isang tao.

Kaya naman nais iparating ng ibang netizen na wag tayong magpokus sa iisang layunin lamang at matuto tayong mag-ipon para pagdating ng panahon ay mayroon tayong mahuhugot sa oras ng pangangailangan.

Source: Furycategory