Karamihan sa atin ay nakakakita ng mga batang kalye na nangongolekta ng mga basura at mga gamit na hindi na tinapon na para lamang may kitain o may maipong pera para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ngunit sinong mag aakala na ang batang ito ay nakatanggap ng full scholarship sa ibang bansa at hindi lang iyon, siya ay nakapagtapos bilang valedictorian.

Alam naman natin na hindi lahat ng tao ay ipinanganak na may pilak na kutsara na nakasubo sa ating bibig.

Madaming mga bata na nag nanais na makapasok sa eskwela ngunit dahil sa kahirapan, wala na silang ibang magawa kung hindi tumigil at tumulong sa pamilya.

Mayroon din namang mga bata na pinapalad na makakuha ng mga scholarships at tulong sa kanilang pag aaral pero may iba din na hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Si Sophy Ron ay lumaki sa mahirap na pamilya. kinakailangan niyang kumite ng pera at kumayod sa napaka murang edad upang matustusan niya ang sariling pag aaral.

Sila ay nakatira lamang sa tabi ng mga tambakan ng basura.

Ngunit dahil sa kaniyang tiyaga, si Sophy ay nakatanggap ng full scholarship sa University of Melbourne in Australia.

Sabi niya, “I didn’t realize it was smelly, I didn’t realize it was dirty, I slept there, I ate there, I did everything there, so it became my home.”

Kwento niya, mayroon daw lalaki ang lumapit sa kaniya at nagtanong kung nais niyang mag- aral sa magandang eskwelahan.

“He asked me whether I wanted to study English, and at that time I had no idea what English was, I ran home feeling happy because he promised he would take me to school.”

Sa tulong ng Cambodian Children’s Fund o CCF, siya ay nakapagtapos ng high school ng may karangalang valedictorian.

Sa kaniyang graduation speech, mapapansin na si Sophy ay tunay ngang matalino lalo na sap ag sasalita ng English.

Sa kabila ng kaniyang tagumpay, hindi pa din siya nakakalimot sa lugar kung saan siya nagmula bago siya lumipad papuntang Australia, nag desisyon siyang magkaroon ng quality time muna kasama ang kaniyang pamilya at kaibigan.

Source: The Relatable