Sabi nila, ang mga hayop ay kagaya din ng tao na mayroong pakiramdam. Madalas ay nag aampon ang marami ng mga alagang hayop na karaniwan ay pusa o aso.

Itinuturing nila ito na parang anak at tunay na miyembro ng pamilya. Pinapaliguan, pinapakain, binibihisan at inaaruga.

Bilang pasasalamat ng mga alagang ito, ipinapadama din nila ang pagmamahal sa kanilang mga amo sa pamamagitan ng paglalambing at pangungulit.

Ngunit ang malungkot na katotohanan ay ang lahat ng humihinga ay maaaring mawalan ng buhay pagdating ng panahon.

May ibang hindi matanggap ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay kaya’t lahat ay ginagawa nila kahit pa imposible nang mabuhay muli ang mga ito.

Isang video ng pusa ang nag viral nang pumanåw ang kaniyang amo na kung saan hindi niya iniwan ang kaniyang amo kahit pa itaboy ito ng ilang mga kamag- anak.

Kitang kita ang såkit na nararamdaman ng pusa dahil sa tamlay nito. Ngunit sa kabila ng lahat, araw- araw pa din siyang nananatili hanggang sa huli.

Dumating ang araw ng lîbîng nang muling magpakita ng nakakadürøg pusøng gawain ang pusa.

Habang nag- iiyakan ang buong pamilya, ang pusa ay hinahalukay ang lupa na tila nais niyang iangat ang kaniyang amo na nasa ilalim.

Hindi man nagsasalita ang pusa, nakikita sa kaniyang gawa na hindi niya matanggap ang biglaang pagkawala ng kaniyang amo.