Sa mga relasyon, normal para sa isa o pareho sa mga partido na magkaroon ng nakaraang mga kasintahan na naging malaking bahagi rin ng kanilang buhay.

Ang ilan sa mga ito ay maaaring nasa bad terms ngunit may mga mag ex na pipiliing maging mag kaibigan pa rin hanggang sa huli.

Tulad ng isang dalaga na ito, hindi lamang niya pinanatili ang mabuting pakikitungo sa kanyang dating kasintahan ngunit inanyayahan pa niya ito sa araw ng kaniyang kasal.

Sa isang clip na unang nai-upload ng user na @mayangkumay sa Tiktok, makikita ang isang bride and groom.

Ang video ay maaaring nakunan sa Indonesia o Malaysia na binanggit ng ilang mga site tulad ng Rachfeed at The Sun.

Ilang sandali sa clip, isang lalaki na panauhin ang lumapit sa mag-asawa upang batiin sila sa napakahalagang araw sa kanilang buhay.

Ngunit, nasorpresa ang lahat nang napag alaman na ang lalaking iyon ay hindi lamang isang ordinaryong panauhin sa kasal.

Sa katunayan, siya ay ang dating kasintahan ng bride. Ang bawat tao’y sa hall ay na curious kung ano ang maaaring maganap sa pagitan ng tatlo kaya’t napagpasyahan nilang kuhanan ng video sa sandaling ito.

Ang lalaki ay unang nag abot ng kanyang kamay sa bride. Pagkatapos, ang bride ay lumingon sa kanyang lalaking pakakasalan habang tinaas ang kanyang hintuturo at humingi ng pahintulot kung maaari niyang yakapin ang kanyang dating nobyo para sa huling pagkakataon.

Bagaman nag-aalangan, nagawa pa rin ngumiti at tumango ng groom, isang kilos na hudyat ng kanyang pag-apruba para sa hindi inaasahang kahilingan ng kanyang nobya.

Pagkatapos ng isang maikling sandali, ang lalaki ay lumingon sa lalaking ikakasal upang mag abot din ng kanyang pagbati sa kanya. Nag-hook pa ang dalawa at niyakap din ang isa’t isa.

Pinupuri ngayon ng mga tao ang groom para sa kaniyang napakahusay na ugali at hindi hinayaan ang anumang insecurity na makasira sa kanyang pag-ibig sa kanyang bride.

Kung sabagay, ang dating nobyo ay bahagi na lang ng nakaraan at siya ang kasalukuyan at hinaharap ng kanyang minamahal na asawa.

@mayangkumay

Balas @nikennalee well netizen yg terhormat semua bebas berpendapat dipersilahkan 😅 #fyp

♬ original sound – Mayangkumay – Mayangkumay