Kahanga-hanga ang isang buko juice vendor matapos niyang tulungan ang isang tricyle driver na maisalba ang tricycle nito sa pagkasunøg dahil dito ngayon ay itunuturing siyang bayani dahil sa kanyang ginawang pagtulong.

Maging ang mga netizen ay talagang humanga at binigyan ng papuri ang ginawa ng 54 taong gulang na buko vendor na si Larry Lasac dahil sa kanyang ginawa sakto naman na may kumukuha ng video at kitang-kita siya dito na nag-aapula ng apøy sa isang tricycle gamit ang kanyang panindang buko juice.

Ayon kay Kuya Larry, Nagtitinda daw siya ng buko juice sa bandang roadside ng Manila East Road nang biglang huminto daw malapit sa kanya ang isang tricycle na nag-aalab.

Hindi daw nagdalawang isip na ibinuhos ng bukod vendor ang buong container ng kanyang panindang buko juice para lamang maapula ang nag-aalab na apøy.

Pahayag naman ni Kuya Larry sa aritikulo na nilabas ng Manila Bulletin: “Nakita kong nahihirapan ang tricycle driver na patayin ang apøy kaya naman naisipan kong ibuhos sa nag-aapøy na tricucle ang paninda kong buko juice”.

Inamin naman ng buko vendor na sana daw ay kung maibebenta niya ang buko juice ay kikita siya ng P500.

Ngunit sa kabila noon ay hindi daw niya iniisip yon dahil nang makita daw niya na nasusünøg ang tricycle ay hindi siya nagdalawang-isip na ibuhos ang kanyang paninda dito para matulungan ang driver na nangangailangan ng tulong.

Makikita rin sa video na pagbuhos ng buko juice ni Kuya Larry ay tila hindi parin nawawala ang apøy kaya naman ginamit niya din ang isa pang container ng mineral water para maapula ng tuluyan ang apøy.

“Sa tingin ko po, gagawin din naman `yon ng ibang tao kung sila man ang makaka-engkuwentro ng gano`ng sitwasyon” Pahayag ni Kuya Larry Lasac -Buko Vendor.

Kwento pa ni Kuya Larry, bago daw magkaroon ng pandemiya ay kumikita siya ng P800-P1000 kada araw sa pagtitinda ng French Fries malapit sa isang paaralan. Ngunit nang magsimula daw ang løckdøwn ay nagbenta na siya ng Buko Juice.

Samantala, dahil sa ginawang kabayanihan ni Kuya Larry , Pinarangalan siya ng Binangonan Mayor Cesar Ynares at ginawaran siya ng certificate of recognition.

Nangako din ang butihing mayor na tutulungan daw niya ang buko vendor na magkaroon ng permanenteng trabaho.

Tunay naman na kahanga-hanga ang ginawang kabayanihan ni Kuya Larry, sa kabila ng kahirapan at ay hindi niya naisip na maari siyang mawalan ng kikitain sa maghapon dahil sa kanyang ginawa subalit mas nanaig sa kanya ang pagiging matulungin sa kapwa saludo kami sayo Kuya Larry, Mabuhay ka!