Ayon sa Chinese zodiac ang taong 2021 ay taon ng mga baka o sa ingles ay Year of the Ox, Nagsimula ang Chinese New Year ng 12 na February 2021 at ito ay matatapos ng January 31st sa taong 2022.

Ang year of the OX puma-pangalawa sa labing dalawang zodiac sign ng mga chinese, narito ang mga pagkasunod-sunod ng mga zodiac sign ito ay nagsisimula sa , Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Goat, Monkey, Rooster, Dog at ang huli ay Pig.

Ang Year of the Ox ay sumunod sa zodiac sign na natapos nung nakaraang buwan na Year of the Metal Rat (2020) at sa susunod naman na taon ay sinasabing panahon naman ng mga Year of the Water Tiger (2022).

Narito naman ang mga taon na tumapat ang panahon ng mga Baka o sa chinese zodiac na Year of the OX: 1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009 ang ang pinaka huli sa ngayon ay ang taong 2021.

Ayon naman sa mga eksperto ang taong year of the metal ox daw ay maswerte sa pag-ibig maging sa kaibigan , kasintahan o pamilya.

Sa Chinese Zodiac din ay sinasabing ang OX ay madiskarte at masipag pagdating sa trabaho. Ang taong 2021 din ay sinasabing puno ng trabaho at gantimpala o sa madaling salita ay lahat ng pagtatrabaho mo ay masusuklian.

Sinasabi rin dito na ang taon na to ay masagana ang mga tao pagdating sa pera at hindi magigipit.

Ang taong year of the OX din ay ang taon na puno ng mga responsibilidad kaya naman kinakailangan na tayo ay mag doble sumikap para mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok na ating kahaharapin.

At dahil nga ngayon taon din ay Metal year tulad ng nakaraang taon na year of the metal Rat at ngayon naman ay Year of the Metal dragon sinasabing ang maswerteng kulay ngayong taong 2021 ay kulay White.

Bukod sa White ang iba pang kulay na maswerte ngayong taon ay ang kulay na yellow at green dahil ayon sa feng shui ang mga kulay daw na ito ay nakakapaghatak o tawag ng swerte at nakakapag-dagdag ng swerte lalo na ang pagsosoot ng mga gamit na metal tulad ng mga bracelet.

Ngayong taon din na ito ay ang panahon na maganda para kayo ay mag invest ng negosyo dahil ngayon taon ay walang magaganap na malaking sakuna at ang ekonomiya daw ay unti-unti ng aangat at makakabangon.

Ang Metal OX ay magandang taon para sa pamilya, ito daw ay maghahatid ng kapayapaan sa pamilya at lahat ng problema ay masu-solusyunan.

Ang taong 2021 din ay ang panahon kung saan lahat ng problema ay masusolusyunan ang kinakailangan lang daw ay disiplina at ang lahat ng paghihirap at pagtitiis ay magiging maayos sa takdang oras.

Piliin sa baba kung ano ang inyong Chinese Zodiac Sign:

Alamin naman kung ano-ano zodiac sign na maswerte ngayong taong 2021 ayon sa Western Horoscope.

RAT
“Para sa mga taong may Rat Zodiac Sign, Importante ngayong taon ang iyong personal connections sa lahat nga iyong gagawin at desisyon.

Ngayong taon din ay mangingibaw ang pagiging positbo sa lahat ng bagay.”

SNAKE
“Para sa mga taong may Snake Zodiac Sign, Ngayong taong 2021 lahat ng iyong katanungan ay masasagot, lahat ng kahilingan ay matutupad sa tamang oras lalo na sa panahong kailangan.

Ngayong taon din na ito ay kung saan ikaw ang magiging takbuhan at hingian ng payo ng iyong mga kaibigan.”

HORSE
“Ang lahat ng iyong Pangarap, Gusto at personal na koneksyon ay mahalaga ngayong taon, dahil ang taong 2021 sayo ay magdadala ng espesyal na enerhiya kung saan magkakaroon ka ng ibat-ibang ideya.

At lahat ng nakapaligid sayo maging ang iyong mga kaibigan ay tutulong at susuportahan ka sa lahat ng iyong pina-plano ngayong taon.”

MONKEY
“Maaring hindi ka maniwala ngunit ang taon na ito para sayo ay napaka-importante dahil ang lahat ng iyong katanungan ay masasagot sa tamang oras at ikaw ay magtatagumpay sa iyong tinatahak na landas.

Ang lahat din ng iyong kahilingan ay matutupad maging ang iyong tiwala sa sarili ay tataas at lahat ng iyong problema ay iyong masu-solusyunan ngayong taon .

PIG
“Sa taong 2021, ang pera ay magiging maganda sa iyo kung nagpa-plano ka mag negosyo ay ituloy mo at wag ka matakot. dahil ngayong year of the OX ang taon kung saan puno ng magandang enerhiya ang iyong kapalaran.

CAREER and FORTUNE:
“Ang Year of the Metal OX din ay magiging komportable sa mga aspeto tulad ng Career, Negosyo, Kaunlaran at kabutihan sa lahat ng Zodiac sign.

Ang year of the OX din ngayong taon 2021 ay tulad din ng nakaraang taong year of the Rat 2020 kung saan sila ay parehong nasa elemento ng Metal.

Ang taon kung saan puno ng oportunidad kaya naman huwag magiging negatibo ang iyong pag-iisip.

Para naman sa mga ipinanganak sa year of the OX sinasabi rito na ikaw ay isang matibay at malakas na tao ngunit may pagkamatigas ang ulo.

Ang taon din na ito kung saan marami ang problema ngunit lahat ay masu-solusyunan at ang tagumpay at swerte ay kabuntot nito.

Sa taong 2021 din ang may zodiac sign naman na Dragon ay magiging magana ang dating sa iyo ng oportunidad ikaw ay may kalamangan sa lahat pag dating sa mga darating na trabaho.

Samantala, huwag parin mag paka sigurado para hindi mag-sisi sa bandang huli.

Ang ipinanganak naman sa taon ng Tiger at Rabbit ay magiging maganda ang takbo pagdating sa pera dahil ngayong taon ay magkakaron ka ng extra income.

Para naman sa year of the Goat ngayong taon ay magkakaroon ka ng sarling negosyo kung saan ito ay iyong ideya at ikaw ay magtatagumpay sa larangan na ito.

LOVE
Pagdating sa Pag-ibig, Kung ikaw ay nagpa-plano na bumuo ng pamilya kasama ang iyong kasintahan ngayon ang taon tamang panahon para gawin yan.

Dahil ang lahat ng mag-asawa ngayong year of the Metal Ox ay magiging masagana at masaya. At para naman sa mga single huwag kayo mag-aala dahil ngayong taon ay makikilala niyo na ang inyong soul mate.

HEALTH
Para sa mga pinanganak na may zodiac sign na Tigers at Monkeys ay magiging maganda ang inyong kalusugan ngayong taon dahil hindi kayo magkakaroon ng anumang malalim na karamdaman.

Kung magkakaroon man kayo ng sakit ay simple lang at masosulusyunan agad at makakarekober at para naman sa mga taong may sakit na na ipinanganak ng Tigers at Monkeys ay unti-unti ng magiging mabuti ang iyong kalagayan.

Source: The Chinese Zodiac