Marami sa atin kung minsan ay nawawalan ng pag-asa dahil hindi daw natutupad ang kanilang mga kahilingan.

Ngunit kung titignan natin maigi ay napakaraming biyaya na ibinibigay sa atin ang Panginoon kahit hindi natin hilingin.

Katulad na lamang sa nangyari at naging karanasan ng isang food delivery rider.

Kamakailan daw kasi ay nakatanggap siya ng P1,000 mula sa isang motor parts company, sakto namang ang kanyang anak ay may såkit ng araw na iyon kaya naman para sa kanya ay ang perang natanggap ay isang malaking biyaya dahil dito ay nakabili siya ng gamot ng kanyang anak.

Sa Facebook post ng page na “DJ Moto Central”:

“Habang nag-drive kami, nakita ko si kuya, isang Grab Driver, may sticker na DJ MotoCentral, pinatabi ko. Takot daw s`ya kasi akala niya, may ginawa siyang viølation sa kalsada at huhulihin siya.

Hindi niya alam, Instant cash siya. Sakto daw kasi may såkit ang anak niya at naghahanap siya pambili ng gamot matumal daw kasi ang booking. Halos maluha si kuya sa Tuwa.”

Dagdag pa daw ng motor company na ipagdarasal daw nila ang mabilis na paggaling ng anak ng delivery rider. At umaasa sila na sana daw ay nakatulong ang kanilang ipinamahagi ng “biyaya” para sa mga nangangailangan.

Dahil naman sa pangyayari ay maraming netizen ang pumuri sa kabutihang ginawa ng kompanyang “DJ MotoCentral”.

“Ayos talaga! Solid DJ MotoCentral. More power sainyo! sanay marami pa kayong matulungan!” Komento ng isang netizen.

“Solid ka talaga, Lods, even sa pagtulong sa mga nangangailangan , ginagawa kang daan ni God. Ingat ka lagi God Bless” Tugon pa ng isang netizen.