Isang video sa social media ang kumurøt sa pusø ng maraming netizen, ito ay ibinahagi ng Facebook Page na “The Young Observer” tungkol nakakaawa ngunit nakaka-inspire na kwento ng isa umanong foreigner matapos lokohin ng kanyang pinay na nobya.

Ayon sa kwento ng foreigner nakilala niya umano ang pinay sa isang online chat, dito ay nagkapalagayan sila ng loob kaya naman hindi nag tagal ay nagbigay ang foreigner sa kanyang pinay na nobya ng bahay at pang negosyo.

Ngunit ng bisitahin na ng foreigner na nanggaling pa sa New Zealand ang sinasabi niyang nobya ay nalaman pala nito na ito ay hindi tunay na babae.

Wala rin ang bahay at negosyo na sinasabi ng kanyang nobya at kanilang ipinundar.

Nang malaman ng foreigner ang tunay na pagkatao ng kanyang nobya ay tuluyan na din naglaho ang kanyang nobya tangay ang pera na nakuha sa kanya.

Dahil dito ay nagsampa ng kaso ang foreigner laban sa dating nobya.

Ngunit hindi nagtagal ay naubos din ang kanyang pera at siya ay naghirap at namuhay mag-isa sa lugar ng Kidapawan City.

Siya ay nagtitinda na lamang ng gulay para may makain sa pang-araw araw halos walong taon niya ito ginagawa upag makaraos sa buhay.

Samantala, sa kabila ng nangyari sa foreigner na nakilalang si Bryan ay sinabi niya na hindi naman lahat ng pinoy ay masama dahil marami siyang nakilalang pilipino na tumulong at naging mabuti sa kanya.

Nakakalungkot lang isipin na marami sa ating mga kababayan ang nanloloko ng mga dayuhan sa kabila ng magandang ipinapakita ng mga dayuhan at pagtulong sa atin.

Sa kabilang banda naman ay katulad ng sinabi ng foreigner na si Bryan ay hindi lahat ng Pilipino ay masama dahil marami pa rin sa atin ang may mabubuting puso para sa kapwa.

At para naman kay Bryan, hindi ka man Pilipino sa dugo ngunit sa pinapakita mong pagmamahal sa aming Bansa ay tinuturing ka namin kapatid at kapamilya dito sa aming Bansang Pilipinas.