Isang napaka gandang alaala an gang pagpapakasal lalo na sa taong iyong pinakamamahal. Magastos at sobrang daming oras ang inilalaan upang ito ay maisakatuparan.

Nariyan ang stress at minsan hindi nagkakasundo sa nais mangyari ngunit sa mismong araw naman ay masasabing sulit ang lahat ng pera at pagod na iliaan para sa isang kasalan.

Hinding hindi pwede mawala ang pagkuha ng litrato sa napakagandang mga sandal na ito kaya nga ang iba ay ginagastusan din ang mga photographer para sa mataas na kalidad ng mga larawan.

Samantala, isang katatawanan ang nahagip ng maikling video clip ng photographer na si Aldrin Mat Acero Salazar na kung saan ang groom ay nakalimutan ang kaniyang bride.

Binibigyan ng magagandang pose ni Salazar ang lahat upang maganda tingnan sa litrato. Una ay gumawa ng wacky pose at sumunod naman ay magdikit- dikit ng pisngi.

Ngunit tila nawala sa sarili ang groom at naidikit ang kaniyang pisngi sa bridesmaid imbis na sa kaniyang asawa.

Ayon sa groom, naunang lumihis ang bride ng kaniyang pisngi at idinikit sa kanang panig at doon ay nagulat na lang din siya nang maidikit niya ang kaniyang pisngi sa kasalungat na bahagi.

Ang lahat ay napansin ang nangyari na nagbigay naman ng kasiyahan para sa mga bisita. Samantala, inamin din naman ng bride na siya ang unang nagkamali na nakalimutan niya ang kaniyang groom at naidikit ang kaniyang pisngi sa kaibigang bridesmaid.

Gayun pa man, isa lamang itong aksidente na hindi sinasadya ng groom. Kabilang na lamang ito sa mga alaalang hindi malilimutan sa isang memorableng kasal.