Isa sa mga kilala at sikat pagdating sa mga make-over ang hair and make-up artist na si Richard Strandz. Siya ang may-ari ng Richard Strandz hair and make-up studios.

Bukod nga sa kanyang negosyo na pag-aayos ng mga buhok at pagme-make-up ay isa rin sa kanyang pinag-kakaabalahan ay ang kanyang YouTube channel kung saan siya ay nag-a upload ng ibat-ibang vlogs.

Kailan nga lang ay umani ng maraming views ang kanyang recent vlog, kung saan itinampok niya dito ang isang Basurero sa kanilang lugar sa Angeles City. Ang basurerong tinutukoy ay nakilalang si Dennis Pascual.

Ayon mismo sa kwento ni Richard sa kanyang vlog, Palagi raw niyang napapansin si Dennis na nangunguha ng mga basura sa kanilang lugar at ito ay halos walang taon na niyang nakikita.

Isang araw daw ay naglakas loob si Richard na paunlakan si Dennis na pumunta sa kanyang salon upang makausap.

Kwento naman ni Dennis siya daw ay nag-iisa na lamang sa buhay at walang pamilya tanging sa lansangan na lang daw siya natutulog.

Dagdag pa ni Dennis na minsan nga raw ay hindi na siya nakakaligo dahil wala siyang lugar na pagliliguan at Tanging bumubuhay na lang daw sa kanya ay ang pangangalakal ng mga basura.

Nang malaman ni Richard ang sitwasyon ni Dennis ay sinabi niya na gusto niya itong tulungan sa pamamagitan ng “total transformation”.

Una ay pinakain muna at binusog si Dennis saka siya ginupitan ng buhok ni Richard.

At ng matapos siyang gupitan ay saka ito pinaligo at pinagsuot ng magaganda at mamahaling damit ni Richard.

Hindi lang yan pagkatapos niyang suotan ng magagandang damit ay isinalang siya sa isang photoshoot kung saan lumitaw ang kagwapuhan niya na nagmisulang artista o modelo.

Pagkatapos naman ng naturang photoshoot ay binili ni Richard ang lahat ng kalakal ni Dennis sa halaganf P500, Ibinili rin ni Richard ng mga damit si Dennis na maaari daw nitong gamitin araw araw.

“Basta pangako mo lang sa akin, magiging mabuti kang tao, magiging masipag” saad ni Richard kay Dennis.

Pahayag naman ni Richard, likas na daw sa kanya ang pagtulong sa kapwa lalo na daw sa mga kababayan natin na lubos na nangangailangan.

Dagdag pa niya na noon daw ay naranasan din niyang mangalakal ng basura para lang magkapera dahil sa hirap ng buhay.

Pahabol naman ni Richard, ay plano niya rin na i-enroll sa Gym si Dennis ulang mapangalagaan nito ang kalusugan at pangangatawna nito.

Para naman sa naghahanap ng kabuang kwento ni Dennis narito sa baba ang naturang vlog ni Richard: