Marami tayong nababasa na mga kwentong kakaiba at mga kababalaghan ngunit ito kaya ay totoo o sadyang kwento-kwento lamang?

Ang iba nga na nakakarinig ng mga kwentong kababalaghan ay hindi naniniwala hanggat hindi daw nangyayari sa kanila o sila mismo ang nakaka experience.

Madalas sa ating mga ninuno na lolo at lola ay nagkukwento ng kanilang mga karanasan mismo na makakapanindig balahibo at kanilang na mga na experensya pagdating sa mga bagay na hindi maipapaliwanag king bakit ito nangyari.

Katulad nalang sa kakaibang kwento sa lugar ng Nueva Ecija kung saan di umano ay nangunguha daw ang isang ilog don ng mga Pogi!

Ngunit totoo nga kaya ito? Sinong nilalang naman nga kaya ang gagawa nito at bakit puro lalaki lamang kinukuha nito.

Ang sinasabing Ilog ay ang Ilog ng Minalungao na matatagpuan sa General Tinio, Nueva Ecija. Marami na ang kumalat sa lugar na ito na di umano nga ay may nangunguha ng mga lalaking pogi.

Ayon kase na lifeguard ng nasabing ilog ay madalas daw sa mga lalaking nawawala sa ilog ay mayroong magagandang mukha.

Kwento mismo ng Lifeguard sa nasabing lugar na si Rolly Sarmiento ang karamihan daw sa mga lalaking nasasawi sa ilog na kanyang pinagbabantayan dahil sa pagkalunod ay mga magagandang lalaki.

“Wala ho kasi akong sinisid na påtåy dyan na panget, magandang lalaki lahat.”, ani Sarmiento.

Isang Ina naman ang nagkwento ng kanyang karanasan matapos mawala daw ang kanyang anak sa mismong ilog na yon.

Hindi daw makapaniwala ang isang ginang ng makita nito ang kanyang anak na wala ng buhay dahil sa pagkalunod dahil sa pagkakaalam niya na ito ay marunong at sanay lumangoy kaya hindi siya makapaniwala na ang kanyang anak ay wala na.

Isa naman kakaabing pangyayari ang nasaksikahan mismo ng isang magbabakarda na sa naturang ilog ng Minalungao na pagplanuhan na mag outing.

Ayon kay Marlon siya daw ay bukas ang third eye kaya naman nagulat siya ng kuhanan niya ng litrato ang kanyang kaibigan nasa ilog na tila may nakahawak sa paa nito na parang “shokoy”.

Kahit pa marami na ang sabi-sabi sa naturang ilog patuloy pa rin ang ilang turista sa pagsu-swimming dito at hindi naniniwala sa mga naririnig.

Ngunit paalala naman ng mga residente dito na mag-ingat sa pag-ligo sa ilog lalo lat marami na ang nawawala at nasasawi dito.