Marami tayong nakikitang mga bahay na may nakapaskil na “house for rent” o kaya naman ay “House for sale”.

Ang iba nga ay kasama na ang lahat ng ari-arian kasama ang bahay at gamit o kung tawagin ay house and lot ang madalas na personal na rason nila ay lilipat na sa ibang lugar.

Samantala, May isang Babae na umagaw ng atensyon ng mga netizen dahil sa kakaibang pagbebenta nito ng kanyang bahay.

Talaga naman na ikaw ay magugulat dahil hindi pangkaraniwan ito dahil hindi lamang property niya na house and lot ang kanyang inaalok ibenta kundi mayroon pang extra o add-ons.

Ang babaeng tinutukoy ay nakilala na si Ayu Novi Astiana, 31 taong gulang mula sa West Bandung, Indonesia. Siya mismo ang sinasabing may-ari ng binebentang bahay at lupa.

Napag-alaman na si Ayu ay divørce na sa kanyang asawa at nagkaroon siya ng dalawang anak na babae.

Kaya naging usap-usapan si Ayu dahil bukod sa kanyang ibinebentang bahay na 52sqm floor sa halagang IDR250 million o halos PHP850,000 ay kasama din siya bilang libre at ang kanyang dalawa pang anak na offer nito.

“The idea came from my neighbour who said that since I wanted to sell my house, why not just find a husband at the same time? I was embarrassed at first but then after thinking about it, why not give it a try?” -Pahayag ni Ayu.

Pahayag pa ni Ayu ay wala naman daw talaga siyang balak na isama siya at ang kanyang anak bilang “promo”
sa gustong bumili ng bahay.

Ngunit kanyang napag-isip isip na mas mabuti na daw siguro ang ganun lalo na kapag nagkataon na ang makabili ng bahay ay lalaki na sila ay compatible.

“If the house is sold and the person who buys it matches me,why not become my husband too?” -Ayon kay Ayu

Pagpapaliwanag naman ni Ayu ay walang pwersahan ang kanyang extra offer na kasama silang mag-iina at ito ay depende pa rin sa bibili.

Ngunit hiling niya kung tatangapin ng makabibili ng kanilang bahay ang offer niya ay sana daw ay responasable at tanggap silang mag-iina at mamahalin sila ng tunay.

“I don’t want [the marriage] to fail again. I was previously only married for four years and eventually divorced.” -Dagdag ni Ayu.

Siguro nga ay kakaiba ang diskarte ng isang Ginang na ito, Ngunit wala naman masama kung susubukan at baka nga may taong naghahanap ng bahay at ng makakasama sa buhay tamang-tama ang offer ni Ayu para dito.