Isang dayuhan ang nagtungo dito sa ating bansa upang alagaan ang kanyang dating yaya na may hindi magandang kondisyon sa kanyang kalusugan.

Ayon sa dating OFW na si Remelyn Zubiaga Yumul 54 taong gulang siya ay nagpasuri sa døktør at espesyalista dito ay kanyang nalaman na nasa ståge 4 na ang kanyang kondisyon sa 0bary0.

Ang mas nakakabahala pa dito malapit na raw itong kumalat sa kanyang appéndîx at båga. Kaya naman dahil dito ay napag-desisyunan niyang umuwi sa Pilipinas para magpagamøt.

Sa kalagayan ni Remelyn ay maari naman siya na doon na sa Hongkong magpa-check-up kung saan siya ay nagtatrabaho, Ngunit mas pinili niya na umuwi dito sa ating bansa.

Mabuti na lamang daw ay pinayagan siya ng kanyang amo at binigyan pa siya ng dalawang buwan upang magbakasyon, mapatingin ang kanyang kondisyon at siyempre para makasama ang pamilya.

Si Remelyn ay nasa pangangalaga ng kanyang Kapatid at habang siya ay namamalagi dito siya nag papak0nsulta na rin sa Capiz Doctors Hospital.

Sumailalim siya sa isang pagsusuri noong Marso 13,2019 at si Remilyn ay nakatakdang magpågamøt ng Abril 2019.

Ang dating OFW na si Remelyn ay sa Hongkong napadestino, siya ay nagtrabaho sa Pamilyang Fai Tse kung saan siya ay naging yaya ni Philip na noon ay sanggol pa lamang.

Ngunit nang tumuntong ng 19 years old ang kanyang alaga ay dito napagdesisyunan niyang maghanap ng ibang pagtatrabahuhan.

Samantala kahit pa daw nasa ibang employer si Remelyn ay nakakausap pa rin niya si Philip dahil itinituring na daw siya ng mga ito na bilang isang Kapamilya.

Kaya naman ng malaman ni Philip ang kalagayan ng kanyang dating Yaya na si Remilyn ay agad siyang nagpa-book ng ticket patungong Pilipinas para makita ang taong minsan sa kanya ay nag-alaga.

Nang dumating si Philip sa bansa ay agad niyang pinuntahan ang dating Yaya sa apat na araw niyang pamamalagi dito ay inalagaaan ni Philip ang dating Yaya katulad ng pag-aaruga nito sa kanya noong siya ay bata pa.

Nakakataba naman talaga ng puso ang Kwento ni Remilyn at ng kanyang dating alaga na dayuhan, dahil kahit pa magkaiba ang kanilang lahi ay itinuturing nila ang isa`t-isa na parang tunay na magkapamilya.

Source: The Sun Hongkong