Habang tumatagal ay paunlad ng paunlad ang ating mga teknolohiya lalo na sa panahon ngayon na nagkalat ang mga gadgets at mga makabagong teknolohiya.

Malaki naman talaga ang naitutulong nito halos lahat ay mag nagiging madali tulad na lamang ng mas madali natin makausap ang ating mahal sa buhay kahit ito ay malayo.

Sa trabaho halos lahat ay may koneksyon na sa teknolohiya at kahit sa pakikipag-kaibigan ay mas napapadali na din.

Samantala, kung matatandaan noong wala pa ang mga gadgets ay madalas at karaniwang paraan ng pagkokomunikasyon ay ang pagsulat ng liham.

Katulad na lamang ng kwento ng dalawang mag ka Penpal na ito.

Ang dalawa ay nakilala bilang si David at Kylie, Si David 27 taong gulang at isa siyang sundalo.

Photo Illustration Only

Ayon kay David ay nakatanggap daw siya ng isang liham mula sa isang babae na nagngangalang Kylie, kaya naman ang ginawa daw niya ay sumalat siya pabalik at doon daw nag simula ang kanilang hindi matapos na pagpapalitan ng sulat.

Dahil daw sa kanilang pagsusulatan ay hindi nagtagal ay nahulog daw ang loob nila para sa isa`t-isa. Ilang buwan lang din daw ang lumipas ay hindi na nakatiis si David kaya naman humiling siya na makipagkita si Kylie sa personal.

Photo Illustration Only

Doon napagdesisyunan nila na magkita sa Luneta Park pagkatapos lumabas ni David mula sa kanilang kampo.

At dumating ang araw ng kanilang pagkikita, Nang araw na yon ay maraming tao sa kanilang napiling tagpuan na Luneta Park.

Dahil maraming tao ay sinabi ni David sa kanyang ka penpal na si Kylie na sabihin nito ang soot na damit para hindi mahirapan sa paghahanap.

Sinabi naman ni Kylie na ang kanyang suot ay bulaklaking bestida, hindi naman nagtagal sa paghahanap ni David ay nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng bulaklaking bestida at naka sumbrero.

Tinawag niya agad itong Kylie at ng lumingon ang babaeng nakabistida ay nakita ni David ang isang ginang na tinatayang nasa 40 taong gulang.

Para makumpirma ni David kung si Kylie nga ito ay agad niyang tinatanong ito at ngumiti naman ang ginang bilang senyales na siya nga ang babaeng kasulatan ni David.

Pumunta naman sila sa isang restawran at kahit ganoon ang nangyari at hindi inaasahan ni david ang kanyang nakita at kinatagpo ay naging maginoo pa rin siya sa Ginang.

Ngunit habang magkasama si David at ang ginang ay may tila napansin si David at pinagtataka kung bakit pangiti-ngiti lamang ang ginang.

Tinanong tuloy ni David ang ginang kung may kailangan ba ito ngunit tawa lang ang naging sagot ng ginang at hindi nagtagal ay inaming hindi siya si Kylie at ina raw siya ni Kylie ginawa lang daw niya iyon dahil gusto daw niyang subukan si David dahil iyon daw ang unang pagkikita ni David at Kylie.

Ilang sandali lang ay nagpakita na ang tunay na Kylie at agad niyang pinuntahan si David at binati. Hindi naman makapaniwala si David at laking gulat niya na isa palang napakagandang dalaga si Kylie at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Pahayag naman ni David ay sa tuwing kanyang maalala ang nangyari sa kanila ay natatawa pa rin siya.

Samantala ngayon ay patuloy pa rin nagsasama si David at Kylie at mayroon na rin silang tatlong anak.

Source: IndayTrending, FurryCategory