Tuwang-tuwa ang mga residente sa barangay Pozorrubio, Pangasinan dahil sa isang puting kalabaw na isinilang ng itim na inahing kalabaw hindi sila makapaniwala sa nangyari at di umano ay may dala daw itong “suwerte”.

Ayon sa ulat ng “Balitang Amianan” isang programa ng GMA Regional TV, Ang nasabi daw na kalabaw ay kung tawagin ay “Albino” ito ay alaga ng magsasaka na nakilalang si Renato Paharillo , 53 taong gulang mula sa Barangay Sugcong.

Mapapansin din sa Batang kalabaw bukod sa puti nitong balahibo ay ang mamula-mula nitong balat at kakaibang mata.

Pahayag naman ng barangay chairman ng nasabing barangay Sugcong na si Girly Ezperanzate.
“Kapag may mga ganiyang pagkakataon, suwerte ang kasabihan ng mga matatanda dati.

Kaya sana maging suwerte na rin saka ‘yung may-ari tsaka ‘yung nagpaalaga, ‘yung barangay namin.”

Nang suriin naman ang nasabing Albino Carabao ay wala naman nakitang problema o komplikasyon sa kalusugan nito.

Ayon naman kay Richie Madayag, isang agricultural technician ng Pozorrubio Municipal Agricultural Office ang ganito daw pangyayari ay bihira lang mangyari.

Umani naman ang kwentong ito sa social media ng ibat-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hays, Buti pa yung kalabaw kinaaliwan, pero kapag tao ang nanganak ng sobrang puting bata , sasabihin anak daw ng engkanto” komento ng isa.

“Oh baka issue na naman ‘yan. Baka nabastusan na naman sila kasi nga pambansang hayop ang kalabaw tapos ang puti-puti. I’m not Tisoy, I’m Pinoy! Hahaha,” sabi ng isa na tumutukoy sa nag-viral na “Panalo” song” – Pagbibiro naman ng isang netizen

“Suwerte yung ganyan, alagaan nalang at wag pabayaan malay niyo yan na magdala sainyo sa ginhawa” -Tugon naman ng isang netizen

Samantala, Kakaiba man ang kulay ng naturang kalabaw ay kapaki-pakinabang naman ito sa bukid at napakalaking tulong ng mga ito lalo na sa mga magsasaka.

Paanoring sa baba ang kabuuang video ng nasabing kalabaw na “Tisoy”.