Habang ang iba ay nagpapakahirap magtrabaho at dumiskarte para lang kumita at kung minsan pa ang iba ay halos hindi na natutulog may ma-ipon lamang.

Walang kahirap-hirap ang isang Twitch Streamer sa Amerika dahil kumita lang naman siya ng tumataginting na $16,000 o halos P800,000 sa kanyang pagtulog.

Nakilala ang American Streamer na si “Asian Andy” na mulansa Los Angeles, ayon sa kanyang pahayag sa businessinsider ay kanyang kinuhanan online ang kanyang pagtulog at ito ay kanyang ini-livestream.

Ngunit hindi alam ng marami ay sa kanyang ginawang pag-livestream habang siya ay natutulog ay pwede siyang mabulabog ng kung sino mang viewers sa kanyang stream sa pamamagitan ng text-to-speech recognition.

Samantala, ang mga tunog at mensahe naman nitong binabasa ay maykapalit o katumbas na pera o donasyon na sa kabuuan ay umabot ng $16,000 o P800,000 sa loob lamang ng magdamag.

Ang halod naging puhunan lang ni “Asian Andy” ay ang mapuyat sa tuwing sa kanya ay may mambubulabog na viewers na ang kapalit ay donasyon, may mga viewer na nagpapatugtog, may nag set ng alarm clock at ang iba ay pekeng tahol ng mga aso para siya ay maiba.

Labis naman ang pasasalamat ng 26 years old na streamer na si Asian Andy sa kanyang mababait at mapag bigay na viewers dahil hindi niya rin akalain na ganon kalaki ang kanyang kikitain.

Napag-alaman na dating driver sa isang ride- hailing firm si Asian Andy at kumikita lamang siya ng $16 sa isang oras.

Ang ginawang pagtulog ni andy sa kanyang livestream ay popular na ginagawa ng mga influencer at kung tawagin nga ito ay “sleep stream” at ito ay madalas gawin ng ibang streamer sa Twitch kung saan ito ang pinaka sikat na livestreaming platform na ginagamit ng mga gamer at lifestylecasters.