May mga tao talaga na hindi marunong makuntento kung ano man ang mayroon sila.

Kahit pa nasa kanila na ang lahat tulad ng pera, kasikatan, kagandahan ng pisikal na kaanyuhan ay hindi parin makuntento sa sarili bagkus ay naghahanap pa ng kung ano-ano.

Ibat-iba ang kagustuhan ng mga tao mayoroong gustong gumanda, tumaba, pumåyat, pumuti at ang iba naman ay maging kamukha ng kanilang ini-idolo na celebrity.

Ngunit ginuluntang naman ang social media ng isang tao dahil sa ginawa nito na imbes hangarin ang magandang mukha at makinis ay mas ginusto nito na maging kakaiba sa lahat.

Ang lalaking ito ay kinilalang si Anthony Loffredo 32 taong gulang, siya ay nagpasailalim sa sürgéry upang maging isang mukhang “Black Alien”.

Maging ang kanyang katawan ay puno ng tattoo maging ang mata nito ay may tattoo din dahilan upang ito ay mangitim.

Subalit, hindi lang yan dahil hindi pa siya nakuntento sa isang surgery at muli siyang sumailalim sa isang øpérasyon para naman ipatanggal ang kanyang iløng at låbi.

Ang kanyang katawan ay sumailalim sa body modification procedure sa bansang Spain.

Ayon mismo kay Anthony dahil siya ay wala ng pang-itaas na labi ito ay naging dahilan upang mahirapan siya magsalita. Gayunpaman ay tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng øpérasyon.

Dagdag pa niya, dahil nga kakaiba ang kanyang itsura ay maraming tao ang napapatitig sa kanya at siya ay tinitignan lalo na daw kung siya ay nasa labas at nasa pampublikong lugar.

Sinabi rin ni Anthony na mas nagiging confident pa daw siya sa kanyang sarili lalo`t pat kakaiba ang kanyang kaanyuan kung ikukumpara sa ibang tao.

“It has become normal, even unconscious, to constantly think about my plans for the next few months. I love getting into the shoes of a scαry character.

I often settle down somewhere and play a role, especially at night in the dark streets, he has fun. I explore the contrast between the role I play and myself.”

Dahil naman sa ginawa ni Anthony, siya ay dinudumog ng mga tao upang magpakuha ng litrato o selfies. may mga tao na namamangha sa kanyang transformation ngunit marami din ang mga taong nahihiwagahan sa ginawa niya.

Ngunit kahit ano pang ginawa ni Anthony sa kanyang sarili basta`t wala siyang tinatapakan ng ibang tao ay okay lang at malaking bagay din ito sa kanya dahil sa pamamagitan daw nito ay mas gaganahan siya at mas lalong tataas ang kanyang confident sa sarili.