Bata pa tayo ay nangangarap na agad tayo na makatapos ng pag-aaral para magkaroon ng maayos na trabaho at nang sa gayon ay makatulong tayo sa ating pamilya.

Para kahit papaano ay maibalik natin sa ating mga magulang ang kanilang sakripisyo na tayo ay pag-aralin.

Dahil ang mga magulang natin pagdating ng kanilang pagtanda ay kailangan narin nila tumigil sa trabaho upang makapagpahinga naman ang kanilang katawan dahil sila ay may edad na at hindi na ganoon kalakas ang kanilang pangangatawan hindi tulad ng kanilang kabataan.

Kaya naman bibihira na ang mga matandang may edad na malakas pa at nakakapagtrabaho pa.

Katulad na lamang ng isang Lola na ito na patuloy parin naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya.

Ito ay sa isang branch ng sikat na fastfood na Jollibee sa Hongkong halos lahat ng empleyadong crew ay mga Lola at makikita mo sila lahat na malalakas pa ang pangangatawan at mabilis pa ang pag-iisip.

Nakakatuwa naman talaga isipin na mayroon parin mga kompanya na hindi tumitingin sa edad at itsura ng aplikante.

Kahit may edad na ay nabibigyan pa rin nila ng hanap-buhay katulad ng mga Lola at ito rin ay nakakatulong upang manatiling malakas pa ang pangangatawan at mahasa ang kanilang pag-iisip.

Kumalat at pinagusapan ang Facebook post ni Cassey Angela Guilermo-garganta Idica-marcelino, hindi kasi niya napigilan na humanga sa kanyang nakita sa Jollibee fastfood sa Hongkong.

Kung saan nakita niya na puro Lola ang mga nagsisilbing crew, taga-kuha ng tray at maging pagpunas ng mga mesa.

Sa post din na ibinahagi ni Cassey , sinabi niya dito kung gaano siya humanga dahil kahit sa katandaan na ng edad ay mayroon pa rin trabaho si Lola.

Pinapatunayan lang daw nito na kahit ang pagiging isang Lola ay may pribilehiyo pa rin na magtrabaho ng disente at sa kilalang fastfood bilang tripulante.

Ayon naman sa patakaran ng fastfood sa Hongkong, Hindi mahalaga kung ano ang iyong edad o kahit na ang iyong natapos na edukasyon dahil hanggat mayroon ka daw kasanayan na gawin ang trabaho ay maari ka pa rin makuha sa trabaho.

Narito naman ang kabuuan post ni Cassey.

“Ganito sa Hong Kong hangga`t kaya mopng magtrabaho pwede ka pa. Hindi importante ang tinapos mo basta may skills at masipag ka at maintindihan mo trabaho mo.

Dito sa Pilipinas hanggang ilang months ka lang pwede sa mga company kaya?”

“Kakulangan sa trabaho at pagbaba ng pasahod. Iyan ang katotohanan dito kaya madami parin ang napipilitang mangibang-bansa at iiwan ang kanilang mahal sa buhay”.

Sobrang nakakatuwa naman talaga isipin na kahit sa ganoon edad ng mga Lola ay nabibigyan parin sila ng pagkakataon magkatrabaho.

Ito rin ay malaking tulong para sa mga Lolang may edad na dahil sa pamamagitan ng kanilang trabaho ay naeehersisyo ang kanilang katawan at maging ang kanilang pag-iisip dahil kung minsan ang Lola na nasa bahay lamang ay mas along nagkakasakit at minsan pa nga ay nag-iisip sila na pabigat sila sa kanilang pamilya.

Kaya naman saludo kami sa kompanya niyo Jollibee! Sana ay marami pa kayong mga Senior Citizen na matulungan at mabigyan ng pagkakataon!