Napakasarap sa pakiramdam kapag tayo ay uuwi sa ating mga sariling tahanan, pakiramdam natin ay tayo`y komportable makita ang mga ngiti ng ating pamilya at kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Maliit man o malaki ang ating bahay ay ayos lang sa atin basta tayoy nakakilos ng maayos at nakikita natin ang ating kapamilya na nasa maayos na kalagayan.

Samantala mayroong isang may-ari ng “two-story home” ang nagdesisyunan na ipaayos ang kanyang munting bahay na talagang pinag-usapan sa social media dahil sa napakagandang transpormasyon ng kanyang munting bahay na binasagang “gorgeous-looking minimalist home”.

Sa isang facebook post na may user na Surumpa Jareonsin kanyang ibinahagi ang mga larawan na bago at pagkatapos ipaayos ang bawat parte ng kanyang munting bahay.

Halos lahat ng makakita ay walang bukambibig kundi ang mamangha sa napakagandang transpormasyon ng munting bahay.

Sa unang dalawa na larawan ay makikita ang kanilang labas ng bahay bago ito i-renovate at pagkatapos ayusin.

Talagang napakalaki naman ng ipinagbago na halos hindi mo na makilala dahil sa napakalinis ng pagkakakulay puti nito.

Sa sumunod na larawan makikita naman ang kanilang lumang kusina at ang bagong kinalabasan nito na kitang-kita na napakalaki ng pagbabago dahil mula sa napakadumi at parang masikip na kusina ay naging bonggang kitchen na para bang ikaw ay nasa mga 5-star hotel room.

Maging ang kanilang lumang hagdan ay nagmukang pang mayaman dahil sa bagong kulay nitong puti at pagkakaayos ng mga halaman na nasa gilid nito.

Pagdating naman sa kwarto o bedroom ay maganda rin ang kinalabasan mula sa tila madilim na kwarto at walang kabuhay-buhay ay nag transporm sa simple at malinis na pahingahan.

Ang huli naman ay ang kanilang Sala, hindi mo talaga makikilala kapag nakita mo ang luma at bago ito ayusin dahil napakalaki talaga ng pagbabago, mula sa napaka kalat na sala, lumang pintura at sira-sirang sahig ay naging pang world class na sala dahil na rin sa mga bago nitong gamit tulad ng sofa at ilaw.

Marami talaga ang humanga at na inspired na mga netizen ng makita nila ang mga larawan na ito. Naisip nila na kahit pa simple at maliit ang isang bahay ay maari palang maging ganito kaganda at hindi ganon ka mahal ang kailangan.

Ngunit laging niyong tatandaan na ang mas importante sa loob ng isang bahay malaki man o maliit ay ang pagmamahalan ng mga taong nakatira sa loob nito bonus na kung magiging maganda at malaki pa ang ating bahay.