May mga bagay na hindi tayo maintindihan sa mundo na kinakailangan pang suriin ng mga eksperto.

Samantala, mga mga bagay din tayong hindi inaasahang matuklasan ngunit hindi maipaliwanag kung ano ba talaga ito.

Isa nanamang hindi pangkaraniwang nilalang ang natagpuan ng grupo ng mga lalaki sa Baybay Burgos Siargao Island.

Makikita sa mga larawan ang nangingitim na ang hinihinalang lamang dagat na ito.

Matatalim na pangîl at may buhok ang naging deskripsyon ng naturang nilalang. Masångsång na ang amoy na tila nabubulok

Enero 26 nang ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Van Curada Espiel Contreras ang mga naturang larawan na may caption na

“Kayo na Bahala Humusga kong anong Uri ng Hayop to sa dagat.

May buhok at Matulis ang ngipin nya. Ilang araw na to kase May amoy na.

@BAYBAY BURGOS SIARGAO ISLAND”

Makikitang sinusuri din ito ng mga kalalakihang nakatagpo ngunit hindi pa din ito pamilyar sa kanila. Mababasa sa mga komento na ito daw ay Giant Seahorse, Skeleton ng Baby Whale, o isang Sirena

Anuman ang naturang nilalang na ito, mahalaga pa din na pangalagaan natin ang ating paligid upang hindi maubos ang mga hindi pangkaraniwang nilalang na maaaring dumami pa sa susunod na mga henerasyon.

Kayo na Bahala Humusga kong anong Uri ng Hayop to sa dagat.
May buhok at Matulis ang ngipin nya. Ilang araw na to kase May amoy na.
@BAYBAY BURGOS SIARGAO ISLAND

Posted by Van Curada Espiel Contreras on Tuesday, January 26, 2021