Ayon nga sa kasabihan, Ang pusø ay ginawang iisa lamang dahil ito ay para sa iisang tao lang na iyong mamahalin habambuhay.

Ngunit tila ang iba ay hindi naniniwala dito dahil mayroon tayong nababalitaan na mga naghihiwalay na mag-asawa dahil marahil hindi raw sila para sa isat-isa.

Samantala, paano kung mangyari na magkaroon ka ng dalawang asawa at ito ay pagsamahin mo sa iisang bahay. Matatawag mo pa bang tunay at wagas ang pag-ibig na ibinibigay mo sa kanila.

Katulad ng kakaibang kwento na ito na talagang pinag-usapan sa social ang vidéo.

Ito ay ang tungkol sa magkapatid na babae mula sa Mindanao na iisa ang Lalaking tinitibok ng kanilang mga puso na talagang kinagulat ng maraming netizen.

Ayon sa kwento, Ang bunsong kapatid ni Julieta na si Juliet ay ma gusto rin sa asawa nitong si Mang Danny.

Kwento pa ni Julieta matagal na daw niyang napapansin ang kanyang kapatid na si Juliet at ang asawa nito na si Mang Danny na malagkit ang tinginan sa isat-isa.

Pero para kay Julieta ito ay hinayaan niya lamang hanggang sa punto na nahuli na niya ang dalawa sa akto.

“Noon pa man, may napapansin akong kakaiba. ‘Yung titigan nila, parang may something! Pero binalewala ko. Hanggang sa nahuli ko na sila, Nahuli ko sa akto ‘yung mister ko at ‘yung bunsong kapatid ko na may ginagawang milagro!”
” – Pahayag ni Julieta ng siya ay makapanayam ng “Kapuso mo ,Jessica Soho” ng GMA Network.

Subalit, dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa at ang kapatid nito na si Juliet ay nagawa niyang magsakripisyo kahit masakit sa kanyang kalooban ay pumayag siya na magsama silang tatlo sa iisang bubong.

“Close kami ng kapatid ko tapos ganoon pa nangyari. Sa una, masakit. Pero kinailangan kong magsakripisyo.

Kaya ako, ‘yung mga anak namin ni Danny, ‘yung kapatid ko at ang lima niyang anak kay Danny, nakatira kaming lahat sa iisang bubong!” – Saad pa ni Julieta.

Ayon pa kay Julieta kasama nilang mag-asawa sa bahay ang kanyang kapatid na si Juliet, Ito raw ang naiiwan at nakatoka sa gawaing bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak.

“Habang nagtatrabaho noon si Ate at si Danny, ako ‘yung naglalaba, nagsasaing, nag-aasikaso sa anak nila.” -saad naman ni Juliet.

Pahayag pa ni Juliet, Kung minsan daw ang kanyang ate lang daw ang pumapasok para magtrabaho at sila naman daw ni Mang Danny ang naiiwn sa kanilang bahay at katulong nito sa pagbabalat ng mga Mais.

Dagdag pa ni Juliet na napapansin din daw niya kasi ang kanyang bayaw na iba ang pakikitungo sa kanyam Kaya naman hindi nagtagal ay nahulog din ang loob niya dito at kalaunan ay nagkaibigan din.

“Hanggang nahulog akong tuluyan kay Danny. Siyempre, mahal ko ang Ate ko. Pero mahal ko rin si Danny. Okay lang sa akin na may kahati ako.” – Pahayag ni Juliet.

Hindi raw makapili si Mang Danny kung sino sa dalawang magkapatid ang kanyang pipiliin, inamin din daw niya na siya ay nakokonsensya sa pangyayari ng kanilang pag-iibigan.

Kaya naman nagpagdesisyunan nalang nila na silang tatlo ay mag-sama sa loob ng iisang bahay.

“Nakonsensya at nahiya ako sa ginawa ko. Pero mahirap kung pipili. Mahal ko sila pareho.” _Pahayag ni Mang Danny.

Marami naman sa mga netizen ang at nagbigay ng kanilang ibat-ibang komento at reaksyon dahil sa kinahinatnan ng pag-iibigan nila Danny , Julieta at ang kapatid nitong si Juliet.