Nakakalungkot man isipin na ang mga kabataan ngayon ay mas tutok sa paglalaro ng mga online games kaysa sa pakikipag-bonding sa kanilang mga magulang.

Kagaya lamang ng isang batang nag -viral sa isang social media dahil sa kanyang di namalayan na nagastos na nag hahalagang php 40,000 para sa kanyang online mobile games.

Ayon naman sa Ama ng bata na si Julmar Grace Locsin, ang isa sakanyang kambal na anak ay na ka gastos ng halagang 40,000 pesos sa loob lamang ng dalawang araw na hindi nila namalayan.

Ayon kay Julmar nagtaka siya kung bakit umabot sa ganon kalaking halaga ang kanilang nagastos. Kaya agad chineck ni Julmar ang kanilang Bank Statements upang malaman nila kung bakit ganun kalaki ang gastos nila.

Laking gulat ang mag asawa kung bakit nabawasan ng ganun halaga ang kanilang banko. Agad kinausap ni Julmar ang kanyang anak kung pano at bakit nya nagastos ang kanilang pera sa isang mobile games.

Ibinahagi ni Julmar ang kanilang account ng kanyang asawa na naka Konekta sa GOOGLE PLAYSTORE dahil rin ito sa pag aarkila or rent ng movie na pinapanood sa Youtube.

Kamakailan ibinigay ng magulang nito sa kanyang anak ang cellphone noong nakalipas lamang na pasko.

Ito rin ang ginagamit ng mga bata sa pakikipag-komunikasyon sa kanilang mga pinsan at ginaagamit sa pag lalaro kaya di namalayan ang batang ito ay naka download ng mga may bayad sa online games at hindi ito sinasabi ng kanilang anak.

Kaya agad ito kinausap ng kanyang mga magulang at napag alaman narin na inakala ng kanilang anak ay ang mobile games na ito ay libre kaya niya ito dinownload.

Matapos nila ito kausapin humingi ang bata ng paumanhin sa kanyang magulang at agad itong napatawad.

Babala : Huwag masyadong pag babarin ang mga bata sa pag lalaro ng mobile or online games para hindi matulad sa mga nangyaring ito.

Marapat na bantayan niyo ito maigi upang makaiwas lalo na sa may mahahalagang account na may nakatagong pera.