Alam naman natin na ang pagmamahal na ibinibigay ng ating mga Lolo at Lola para sa kanilang mga apo ay talagang naiiba.

Kung paanong pagmamahal ang kanilang inialay sa kani-kanilang mga anak ay iba ang pag-aaruga na ginagawa nila sa kanilang mga apo na kahit sila ay may edad na ay gagawin pa rin nila lahat makita lamang nilang ngumingiti at tumatawa ang kanilang mahal na Apo.

Kaya naman ang netizen na si Cyrus Cartina ay may panawagan para sa Publiko na idinaan niya sa pamamagitan ng social media post sa Facebook.

Ito ay tungkol sa ating mga Lolo at Lola na walang sawang ibinibigay ang kanilang pagmamahal at oras para sa kanilang mga apo.

Panawagan ni Cyrus na sana raw ay habang andyan ang ating mga Lolo at Lola ay iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila ka mahal at kung gaano tayo nagpapasalamat sa lahat ng pagsasakripisyo niya.

Narito ang Facebook post ni Cyrus Cartina:

“My lola told me ‘Nak, ipaglatag na kita, dito ka na matulog para ‘di ka na natutulog sa ibang bahay. ‘ Hindi kuwarto o mamahaling higaan but sobrang nakaka-touch. Kung paano mag-care yung lola ko at kung paano niya kami mahalin,”

“Kahit wala na siya basta meron kami at kahit maliit na bagay lang ang naibibigay sa amin ay sobrang pinagpapasalamat ko na, imbis na kami yung nag-aabot, siya pa rin.

Kaya habang buhay pa yung mga lolo at lola ninyo, iparamdam ninyo rin sa kanila yung pagmamahal na ibinibigay nila sa inyo, kasi hindi habambuhay kasama natin sila.”

Makikita rin kasama ng kanyang post ang dalawang larawan ng kaniyang Lola na nag-aayos ng kanyang hihigaan na foam na ipinatong sa plastic na sofa.

Dahil sa post na ito ni Cyrus maraming netizen na nagbigay ng komeneto kaugnay sa kanyang post.

“Truue Iba talaga ang pag-aaruga ng ating mga Lolo at Lola sobrang mapi-feel mo yung pagmamahal nila sa totoo lang mas better sila magmahal” -komento ng isa

“Alam ng mga lola/lolo’s boy ‘tong pakiramdam ng ganito. Yung sobrang late ka na uuwi tapos magugulat ka gising pa sila kasi hinihintay ka nilang makauwi.

To my lola in heaven, I miss you so much, miss ka na ng paborito mong apo.” -Patunay naman ng isa.

Kaya naman para sa lahat sana ay maging silbing aral ito at paalala na habang andyan sila ay iparamdam natin kung gaano sila ka importante at kahalaga sa atin. Saludo ko sa lahat ng mga Lola at Lolo.

My lola’s told me ” Nak pag latag na Kita dito kana matulog para Di ka na natutulog sa ibang bahay” Hindi kwarto o…

Posted by Cyrus Cartina on Tuesday, February 9, 2021