Ang pagkakaroon ng sariling Pamilya ay hindi biro, dahil ang pagiging magulang ay may kaakibat na malaking responsibilidad lalong lalo na sa pinansyal.

Ayon nga sa kasabihan ng matatanda ang pag-aasawa ay hindi pagkain na kapag ayaw mo ay pwede mong iluwa.

Katulad na lamang kapag ikaw ay nagka-anak ang isang batang sanggøl ay nangangailangan ng tamang nutrisyon upang lumaking malusog kaya naman kinakailangan ng Gatas ang siyang pangunahing kailangan nito sa araw-araw.

Ngunit, Hindi lahat sa atin ay may kakayahang bumili ng gatas para sa kanilang anak dahil sa hirap ng buhay.

Katulad na lang ng kwento ng netizen na ito kung saan siya mismo ay naawa sa kambal na bata na tanging pinakakain lamang ay ang dinurog na saging na dapat ay gatas ang kinakain nito.

Ayon sa nagpost na si Joy Ruth Mallari Cortes, Humihingi siya ng tulong sa publiko na kahit papaano ay mabigyan ng gatas ang kambal na sanggøl dahil wala daw umanong kakayahan ang Ina nito na ibili ng gatas at tanging dinurog na saging lang daw ang kinakain ng mga bata.

Pahayag pa ni Cortes, ang mag-iina ay kinupkop ng isa ring naawang concerned citizen dahil umano ang bahay nilang tinitirahan ay binaha at wala daw sila kahit isang gamit na naisalba.

Ibinigay din ni Cortes ang naturang address ng mag-iina ito ay may number na 430 Cacho Street Balite Rodriguez Rizal Marites.

Narito sa baba ang kabuuang post ni Joy Ruth Mallari Cortes sa kanyang Facebook Account.

“Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil wala npong gatasmay kumupkop po sa kanila concerned citizen dahil po binaha cla walang naisalba
kambal po cla
430 Cacho street Balite Rodriguez Rizal Marites Ayuson hanapin ninyo”

Naway mayroong mabubuting puso ang tumulong sa mag-iina para narin sa kambal na bata.

Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil…

Posted by Joy Ruth Mallari Cortes on Thursday, November 19, 2020