Sa paglipas ng panahon patuloy na umuunlad ang mga teknolohiya ngunit kasabay nito ay lalong dumadami ang mga taong mapanlinlang sa kanilang kapwa.

Gumagawa ng masasama at hindi makakabuti sa iba para lamang kumita ng pera.

Lalong nagiging matalino ngayon ang mga kawatan o manlolokong tao katulad na lamang sa naging usap-usapan sa social media tungkol sa reklamo ng dalawang residente mula sa Cainta, Rizal dahil umano sa kanilang nabiling tila pekeng itlog.

Ayon sa netizen ng nagpost ng naturang reklamo na si Ritz Egegamao, Kanilang ipinatataka umano ang hindi nababasag o napipisa na pula ng itlog kahit na ito ay kurut-kurtuin o pisi-pisilin.

Kwento pa niya ay pinagtataka nila na bilog na bilog daw at nakahiwalay pa raw ang pula na itlog na kanilang nabili.

“Kapag ito ganun pa rin, pakikalat na lang. Oh wala! Ganun pa rin!, Pagkaprito ko, natanggal agad yung yellow nyan. O tingnan mo? Peke! Peke!” – Sambit ni Ritz bago daw iluto ang nasabing itlog

Dagdag pa ni RItz na tingin niya ay peke daw ang kanyang nabiling itlog, dahil ngayon lang daw siya nakakita ng ganitong klaseng itlog.

Samantala, Pinabulaanan naman ito ng Department of Agriculture at Philippine Egg Board ,hindi daw totoo ang kumakalat sa internet tungko sa mga pekeng itlog.

Sa panayam ng programa ng GMA7 na 24 Oras kay Engr. Arnel de Mesa, Regional executive director na DA-Calabarzon.

Ang naturang itlog daw na sinasabing peke ay pwede daw suriin sa kanilang laboratoryo para maberipika kung ano ang taglay na composition ng naturang itlog.

Dagdag pa ng Reginonal director na normal daw lang na tumigas ang pula ng itlog kapag daw ito ay galing sa referigerator.

Nagpahayag din ukol sa balita si Gregorio San Diego Jr, Chairman ng Philippine Egg board, na may mga palatandaan kung bago pa ang mga ibinebentang itlog sa merkado.

“Yung fresh egg, matambok yung kanyang yolk. Yung malapit nang masira ang itlog, flat yung yolk. O kaya yung iba, parang basag na yung yolk,” ani San Diego.

Marami naman ang mga netizen na nagkomento dito at ang karamihan ay sumasang-ayon sa sinabi ng mga eksperto.

“Sa tingin ko po normal lang yang ganyan dahil siguro galing sa loob ng referigerator kaya tumigas yung pula ng itlog,, hays gagawa ng video ayaw muna mag research para lang mapansin .. mga tao nga naman”- Mula sa netizen na si Sarah Mapanoo.

“Baka naman nasobrahan sa lamig , kaya ganyan nangyari sa itlog, siguro sa susunod wag niyo nalang ilagay sa ref kasi pwede naman yan kahit wala sa malamig na lugar” -Tugon naman ng netizen na si Marvin Panopio.

“Ate alangan titigas yan, ilagay niyo ba naman sa ref e. Try niyo ibilad sa araw ewan ko kung di matunaw yan. hehe” Pagbibirong ng netizen na si Ryan Cruz.