Bukod sa vlogging ay sikat at patok din ang pag i-streaming ng mga online games dahil dito ay maari karin makilala at ganun din ang kumita kung makakahakot ka lang ng iyong mga viewers.

Subalit hind madali ang pagkakaroon ng mga fans at avid viewers. Kaya para sa isang online streamer na nakilalang si Juan Maws.

Masayang masaya na siya sa kanyang nag-iisang viewer ng sarili niyang live stream.

Minsan nga na siya naglaro online halos ilang oras na siyang naglalaro ay napansin niyang may isang viewer pa rin ang nakatutok sa kanyang live.

Nang siya ay magpunta sa kuwarto ng kanyang ina upang tignan ito, laking gulat niya nang malaman na ang nag-iisang viewer pala niya ay ang kanyang Ina at dahil sa katagalan ng panonood ng kanyang ina ay nakatulog na ito.

Kaya naman siya ay gumawa agad ng isang appreciation post sa social media para sa kanyang Mahal na Ina noong buwan ng Enero 22.

Narito ang kanyang naturang appreciation post sa kanyang Facebook Page na Juan Maws.

“Appreciation post for my Mom”

“Natuwa lang ako. cause i saw na may nag iisang taong naka view ng live stream ko. hahahahaha syempre masaya na ako may nag viview ng stream ko, meron minsan mga tatlo lima, pero di naman sila nag tatagal, but its all good hahahaha di ko naman kase pwede ipilit na magustuhan nila stream ko sino ba naman ako. dejoke hahahaha pero thankyou pa din sainyo kung sino man kayo labyu hehe.

Then pumunta ako sa kwarto ni mudra tas nakita ko. sya pala yung nagtyatyagang manuod ng livestream ko hahahahahaha to the point na nakatulog na sya. A mother’s love and support talaga is unconditional, they’ll offer their best kahit sa maliit na paraan. so much love for my mom. salamaaat
sa support sa mga bagay na masaya akong ginagawa. To my fellow small streamers or kahit sino that feels like no one was supporting you, kung feeling down kayo that there’s no one that supports us. kala lang natin yun, but there is someone na naniniwala satin di man madami. pero kahit isa meron at meron yan.I love you mudra ulit hehez”

Agad naman nag viral ang nakakatuwa at nakaka touch na post na ito ni Juan Maws, itong kwento rin na ito ang naging daan sa kanya upoang siya ay makilala sa mundo ng online gaming.

Mula ng mag viral ang kanyang post ay lumalagpas na ng 100 shares ang kanyang bawat streams. Dahil dito ay may payo siya sa mga kapwa niya nagsusumikap na streamers.

“Kung feeling down kayo that there’s no one that supports us, kala lang natin yun, but there is someone na naniniwala sa’tin di man madami. Pero kahit isa meron at meron yan.” – Juan Maws.