Normal sa magkasintahan o mag-jowa ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan at pag-aaway.

Ngunit nakakalungkot kung ito ay mangyayari sa pampublikong lugar at marami ang makakasaksi ng inyong pag-aaway.

Subalit isang netizen ang naghatid ng katatawan matapos ang kanyang ginawa sa pagkain ng magjowa na nag-away sa isang fastfood chain.

Ibinahagi ng isang Facebook page na may username na “Naga City TV” ang post ng isang di nagpakilalang netizen kung saan nasaksihan niya mismo ang umano`y pag-aaway ng isang mag-jowa o couple sa isang sikat na fastfood chain.

Ayon sa kanyang nasaksihan umorder na raw ng mga pagkain ang magkasintahan, subalit maya-maya lamang ay nag-away na ang mag-jowa.

Ang naging ending tuloy ay parehas nag walk-out ang mag-jowa sa naturang fast food chain. Kaya naman naiwan ang mga pagkain na kanilang in-order na halos walang bawas.

Nagkataon naman na naka-abang ang mga netizen, Nang masigurado ng isang netizen na hindi na babalik ang mag jowa ay kinain na lamang niya ang mga pagkain na naiwan kaysa naman daw masayang ang mga ito at itapon lamang.

Sa post na ito ng Naga City TV narito naman ang isang bahagi ng kanyang kwento.

“May nag-away na mag-jowa. Hindi na bumalik. Yun kinain ko yung pagkain. Sarap. Salamat sa mag-jowa” – saad ng Netizen na kumain ng pagkain ng mag-jowa.

Sa huli ng kanyang post ay may pahabol pa itong “SANA-ALL laging may nag-aaway para may makakain ulit sa susunod”.

Ang post na ito at umani naman ng ibat-ibang komento at reaksyon mula sa mga netizen.

“Tapos bumalik pala sila . Nahiya lang balikan ‘yung pagkain kasi may nakitang makapal na mukha na kumakain ng order hahahaha.” -Pahayag ng isang Netizen.

“HAHAHAHA, Its a prank daw yan kuya talagang iniwan yan para kainin mo kasi may Såkit pala yung isa at walang pang-lasa at pang-amoy” – Biro naman ng isang netizen.

“Easy ka lang kuya, baka soon sayo mangyari yan gumalang tayo ng ibang relasyon tama na yung ginawa mo wag mo na ipaalam sa iba baka gayahin” – Paalala naman ng isang Netizen.