Ayon sa mga ating ninuno noong unang panahon daw ay umaabot ang edad ng mga tao sa 200 taong gulang at namumuhay ng matagal dito sa mundong ibabaw.

Ngunit ngayon sa ating modernong panahon tinatayang hanggang 60-70 years nalang ang tinatagal ng buhay ng tao ayon sa mga eksperto.

Samantala, Marami nga tayong nababalitaan na sa edad na 50 pa lamang ay binabawian na agad ng buhay.

Ayon naman sa mga eksperto ay may mga sinasabing factor daw umano kung bakit daw umiiksi ang buhay ng isang tao.

Katulad daw ng mga kemikilas na inilalagay sa ating mga pagkain maging ang epekto ng mga gadgets kung saan hindi na tayo masyado nakakapag ehersisyo ng ating katawan.

Kaya naman may mga balita na ang mga Scientist sa bansang China ay pinag-aaralan ang paraan kung paano daw mapabagal ang pagtanda ng isang tao at mapahaba ang buhay nito.

Sa balita na inilabas ng Reuters, Sinabi rito na ang grupo ng biologist sa Chinese Academy of Sciences ay nakabuo ng world first new géné théråphy para mapahaba ang buhay at ito ay sinubukan nila sa mga bubuwit.

Halos 10,000 génes daw ang sinuri ng mga siyentipiko na may kaugnay sa cellular ageing. Sa kabuuang bilang may 100 génes ang nakitaan ng potensiyal at may isang katangi-tangi na tinawag nilang “Kat7”.

Napag-alaman na ang “Kat7” géne ay inilagay nila sa atay ng bubuwit.

“These mice show after six to eight months, they show overall improved appearance and grip strength and most importantly they have extended lifespan for about 25%,” ayon kay Professor Qu Jing.

Sinasabi rin dito na ang Kat7 ay isa sa libu-libong génes na makikita lamang sa cells ng mga mammal.

Kanila rin sinusubukan ang bisa ng nasabing géné sa stem célls ng tao, human lîvér cells at iba pa.

Samanta, wala pa naman daw nakikita na side effects sa cellular tøxîcity, Ngunit sa kabila ng pøsitîbøng resulta ay matagal pa daw ang pag-aaral na kailangan gawin at malaking pondo ang kakailanganin bago ito masubukan sa mga tao.

Narito sa baba ang naturang video ng mga Chinese Scientists: