Usap-usapan sa social media ang ginawang kabutihan ng isang gadget store matapos nitong pahintulutan ang isang matandang babae na gumamit ng isang demo MacBook at kanilang WiFi para makausap at makakonekta siya sa kanyang Pamilya.

Dahil dito inulan ng papuri online ang Gadget Store na ito dahil na rin sa pagka-trending ng kwento ng matandang Babae ay magkakaroon na siya ng kanyang sariling MacBook na may kasama pang prepaid WiFi device at isang cellphone mula sa isang mabuti at mabait na netizen.

Ang kwento ay nagsimula sa Power Mac Store, Isang tindahan ng gadget na nagbebenta ng mga produkto ng Apple sa Greenbelt sa may Makati City.

Napag-alaman na lagi raw dumadalaw ang matandang babae sa tindahan ng gadget para gamitin ang kanilang demo MacBook para makakonekto sa kanyang pamilya at ito ay palagi naman pinapayagan ng mga mababait na staff ng nasabing store.

Ayon sa isang Facebook post ng netizen na nakilala na si Walter So, kanyang ipinahayag ang kanyang pagkamangha sa kanyang napansin sa mga staff ng nasabing store dahil hindi lang daw hinayaang ng mga staff ang matandang babae na gamitin ang demo MacBook at ang kanilang libreng WiFi bagkus ay binigyan pa daw nila ito ng upuan para maging komportable ito sa paggamit ng MacBook.

Dagdag pa daw rito ay napansin niya na sanay na sanay na ang matandang babae na gumamit ng naturang gadget tingin niya dawd ay tinuruan ito ng maayos ng mga staff sa paggamit nito.

Narito ang ibiniahaging post ni Walter sa Facebook :

“I couldn’t resist not taking a photo…The store personnel call her “nanay” (mother). She can’t afford a gadget to be able to connect with her family and so she frequents the store, so that she can use the demo MacBook and free internet and chat with her family and check Facebook.

I’m not sure why her kids would not buy her any gadget, but knowing the motherly value of selflessness, I’m sure she is telling her kids she has all that she needs.

I salute the store employees for being charitable. I hope the returns they get is ten fold. This is now my favorite store.

CØVID has brought challenges for everyone, families have not seen each other for the longest time, it’s good that technology enables us to at least virtually keep in touch, at least for those who can afford.

But for those that can’t, there are people like these employees who give a helping hand. Good job! Oh… by the way, nanay is amazing at using MacBook. The employees have taught her well.”

Mas lalong ikinahanga ng Netizen sa mga staff ng naturang gadget store ay kahit na kung titignan ay walang kakayahang makabili si Nanay ng naturang mga gadget gayunpaman ay tinulungan talaga nila siya upang makakonekta siya sa kanyang pamilya.

Samantala, dahil sa pagiging viral ng naturang kwento ni Nanay ay may mabutin tao daw na nais magpaabot ng tulong kay Nanay at bibigyan ng sarili nitong MacBook, free wifi device at ng isang cellphone ito ay ayon din sa naging update ng netizen na si Walter So.

“In coordination with Powermac greenbelt and anonymous donor, MacBook (pink) has been received by nanay! You sharing this photo to the world helped someone today.Thank you to all the moms in the world for making the impossible possible!

There were also people who offered to give the old lady a prepaid WiFi Gadget so she can truly connect with her family in the comforts of her home”
To God be the Glory”