Sa panahon natin ngayon na halos lahat ay moderno na tila hindi parin nawawala ang ating mga sinaunang paniniwala tulad ng mga sinasabi ng ating mga ninuno.

Tulad nalang ng tungkol sa mga kakaibang pangyayari o galaw ng mga sto. Niño na di umano ay nagdadala daw ito ng himala sa ating mundong ibabaw.

Katulad na lang ng isang kwento na ito, taon taon daw bago pa sumapit ang Sinulog Festival.

Mayroong isang maliit na Sto. Niño sa lugar ng Olango Island sa Lapu-lapu City, Cebu ang pinaliliguan ng sabaw ng buko sa loob ng isang maliit na palanggana di umano habang pinaliliguan daw ang Sto. Niño ay bigla raw itong sumayaw.

Sa isang episode ng sikat na programa ng GMA7 na “Kapuso Mo, Jessica Soho” sinasabi ng mga residente dito na ang maliit na Sto. Niño ay tinatawag nilang Sto. Niño Kaplag na ang ibig sabihin daw ay nakita o nahanap.

Naturang imahe kasi ng Sto. Niño ay gawa sa isang bato, ito ay nakita lang daw ng isang lalaki na hinahampas ng alon sa isang Dalampasigan taong 2008.

Ayon sa kwento ng lalaking nakapulot, nakuha daw ang kanyang pansin ng maliit na batang Hesus o Sto. Niño dahil tila raw siya ay sinisit-sitan nito kaya ito ay inakala niyang tao.

Simula raw ng ito ay makuha ng Lalaki, agad niya itong ibinigay sa kaniyang tiyahin at kanilang itinuring na anak ang maliit na Sto. Niño hanggang sa ito ay naghihimala na raw.

Ang Sto. Niño raw ay pinaliliguan nila ng sabaw ng Buko dahil itong sabaw raw ay ginagawa nilang pamahid sa kanilang katawan na sumasåkit sa paniniwala nilang nakagagaling ito ng mga karamdaman.

Samantala, bukod raw sa nakakagaling ng mga såkit ay tinutupad pa raw ng maliit na Sto. Niño ang mga kahilingan nga mga tao na lumalapit dito.

Katulad daw ng isang lola na lumapit at humiling dito na makapasa ang kanyang apo sa board exam.

Isa rin ang ginang na natupad ang pangarap na siya ay magbuntis at ang huli ay ang lalaking nakipagkasundo raw umano sa Sto. Niño ng kanyang debosiyon wag lamang raw siyang magkakasåkit

Ayon pa sa may ari ng maliit na Sto. Niño hindi lang raw ito ang unang beses na nag sayaw ang imaheng sto. Niño pero ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na kanilang navideohan ang munting pagsayaw ng Sto. Niño.