Sino nga naman baa ng hindi makakakilala sa aktres na si Angel Locsin. Isang napaka galing na aktres, film producer, commercial model at fashion designer na talaga namang ipinagmamalaki sa industriya ng showbiz.

Una siyang naging bahagi ng GMA Network na kung saan ginanapan niya ang karakter ni Alwina sa Mulawin

Lalung lalo naman sap ag ganap niya sa pagiging Filipino Superhero na Darna. Napakadami ang humanga sa kaniya rito at halos dito nangibabaw ang kaniyang galing bilang isang aktres.

Taong 2007 nang siya ay lumipat naman sa ABS- CBN na kung saan mas lumawak at dumami pa ang mga proyekto niya.

Madami na din siyang ginanapan na pelikula at teleserye na kung saan pumatok sa mga manonood kagaya na lamang sa La Luna Sangre bilang isang Lobo, at sa nakakagigil na mga pangyayari sa The Legal Wife.

Medyo matagal din ang kaniyang naging pahiya. Ngunit hindi doon natatapos ang kaniyang pamamayagpag. Muling nasilayan ang aktres sa isang action drama na The General’s Daughter.

Nito lamang nang mainterview at maging guest si Angel Locsin sa programang Magandang buhay na kung saan ay ibinahagi niya ang takbo ng kaniyang buhay.

Ayon sa kaniya, mayroon siyang isang beach resort na binili sa Zambales para sa kaniya. sa kadahilanan dawn a ang kaniyang ama ay mag 93 anyos na, kinakailangan na daw nitong makalanghap ng sariwang hangin at doon ay makapagpahinga ng maayos.

“Actually, almost. Meron pa akong isang buwan na hulog. Akala ko kasi hindi ko matatapos. Si daddy kasi may gusto tapos parang pakiramdam ko noon, alanganin.”

Sinabi niya din na talagang adventure ang papunta at experience doon “Walang kuryente. Kailangan mo magbangka papunta doon. Nature talaga, parang camping. Masarap mag-isip and kung gusto niyo ng bonding.”

Ginagawa niya daw ito dahil gusto niyang ibalik sa kaniyang ama ang lahat ng bagay na makapag paliligaya sa kaniya. dahil noong bata daw siya ay ganoong ganoon din ang ginagawa ng kaniyang ama.

Ibinibigay ang lahat ng gusto niya sa paraang alam ng kaniyang ama upang maging maganda ang kaniyang maging karanasan noong siyaý bata pa.

“Kasi binigay nya sa akin ang lahat, kahit hindi namin kaya noon…tinry (sinubukan) nya yung best nya na gawing happy ang childhood ko in his own way” “So bilang anak, kung ano and kaya kong ibigay, e-provide, eh di yun”

Simula nang sumikat si Angel, madami na siyang natulungan ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang real life superhero pala natin ay mayroong masaklap na nakaraan na kung saan ang kaniya mismong pinaka mamahal na ama ay hindi niya natulungan.

Ayon sa kaniya, hindi siya nabigyan ng pagkakataong maipagamot ang mata ng kaniyang ama hanggang sa mabulag na ito. Dahil wala siyang sapat na ipon upang maisagawa ang pagpapagamot.

“Hindi ko kasi napagamot yung mga mata ni daddy…Yun yung reason ko noon bakit ako nag-stay sa showbiz”

“Na late ako ng ipon hanggang sa hindi ko napagamot si daddy,”

Gayun pa man, ang nakaraan ay nakaraan. Ang mahalaga ay patuloy pa din ang pagiging masaya nilang mag ama at taos puso pa ding tumutulong ang aktres na si Angel Locsin sa oras ng sakuna