Dahil sa modernong teknolohiya, madalang na lamang sa mga tao ngayon ang hindi alam ang pasikot sikot sa social media.

Sa katunayan, maaari pa natin itong pagkakitaan kung tayo ay makagagawa ng mga content na makapagbibigay impormasyon o kaaliwan sa mga manunuod.

Mayroong mga vloggers kung tawagin na handang gawin ang mga mapanganib na “challenges” na hinihiling ng kanilang subscribers.

Samantala, bilang isang ordinaryong netizen, hindi tayo dapat gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak natin lalo na kung para lamang sa pagpapasikat

Anim na residente ng Balete, Batangas ang lumabag sa no-entry order na ipinatutupad sa Taal Volcano Island noong Martes, March 9 dahil idineleklara nang permanent danger zone ang pulong ito.

Higit pa doon, nagawa pa nilang mag Facebook Live sa tabi ng Main Crater ng bulkan. Kapansin pansin din na kumukulo na ang crater lake at paglabas ng mga usok sa bunganga ng Taal.

Ang tatlo sa anim na residente ay mga menor de edad pa! Nakilala ang 3 pang nakatatanda na sina Ryan Molinar, 33; Hazel Molinar, 33; Jerico Hernandez, 23 na agad namang dinampot ng mga awtoridad ng Talisay, Batangas at dinala sa presinto.

Ayon kay Police Officer 1 Junior Layosa ng Philippine Coast Guard sub-station ng Talisay, “Nagla-live sila doon mismo sa crater ng volcano which is napakadelikado, lalong-lalo na nagtaas sa level 2 ang alert level ng volcano”

Muli nilang binalalaan ang mga esidente at mga turista na sumunod sa regulasyon ng local na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan pagkat anumang oras ay maaaring tumaas ang alert level ng bulkan.

Isinaad ni Undersecretary Renato Solidum ng Phivolcs na “Sa alert level 2, posible itong humantong sa eruption. Posible rin naman na hindi ito humantong sa eruption.

Ang susunod na mga pangyayari sa Taal Volcano ay depende ‘yan kung tuluy-tuloy ba ang pag-akyat ng magma. Mabilis ba ang pag-akyat ng magma o mabagal lang? Depende po iyan sa kilos ng magma”